Saturday, April 17, 2021

Mga babae ng vlogger na si Jayzam Manabat, naglabasan na matapos na ibuking ni Camille Trinidad ang panloloko sa kanya niJayzam


 

Ilang oras pa lang ang nakakalipas matapos gulatin ni Camille Trinidad ang netizens at fans nila sa kanyang post sa Facebook account niya.

Umabot na agad sa halos 600k ang reactions ng status ng vlogger na si Camille Trinidad, binisto niya kasi sa post niya ang live-in partner niya na si Jayzam Manabat.

Umani ito ng ibat-ibang reaksyon ng netizens dahil talaga namang ikinagulat nila ito, base kasi sa nakikita sa vlogs ng dalawa ay tila okay na okay naman sila.

Narito ang buong post ni Camille:

Gusto ko nalang din mag salita. Kasi hindi matatahimik yung isip ko dahil sa sobrang sakit ng nangyare sakin.
Yung sa pag check in nila Jayzam sa Highland Bali na kasama nya yung pinsan nyang magaling "Kim Gayo Babaero" na tuwang tuwa pa dahil iinom sila at walang ibang inisip kundi mambabae. Never ako naging panatag sa pinsan nya nayan dahil kahit nasa condo pa kami ikaw banaman kaharap ko si jayzam tapos sasabihin nya "tingnan mo to jay oh ang ganda ng babae" sobrang nakakabastos lang na kahit hanggang nasa bahay na kami bastos parin ang bibig nya ni hindi manlang nya naiisip bago mag bitaw ng salita. Ni wala na syang gagastuin sa bahay lahat libre ultimo mga naka aircon pa. Sobrang pangit na impluwesya nya kay jayzam. At ikaw banaman na pinsan nya makikipag kompitensya ka sa kapwa pinsan mo? Kapag nakikita nyang may magandang nangyayare saamin parang gagawa at gagawa ng ikakasira namin. Sobrang tagal ko nag kikimkim ng mga ganitong pangyayare hindi ko nalang din matandaan ung mga dati dahil ako yung tipo ng babaeng hanggat kaya mag tiis mag titiis. Yung mga panahong naka check in kayo ni jayzam at lasing na lasing na ung tao ikaw tong mas matanda sakanya ikaw pa tong nag pupush. Ayusin mo naman utak mo. Mga nakalipas na oras naging okay kami ni jayzam pero hindi ko alam na nag karoon ng "halikan" dahil ang sabi lang nila saakin nag inom lang sila at walang babae. So naging okay kami at wala akong kaalam alam. Makalipas ilang panahon nung malapit na kami mag 4th anniv umalis nanaman sila ugali kasi pag nag aaway umaalis ng bahay na dapat hindi naman gawin, nagkaroon nanaman kami ng tampuhan. So umalis sila un ung nag "La Union" sila pero hindi sila nakapasok dahil lockdown. Maalala ko lang bday ni obrie nun nasa patar kami may babae don na fan pero nilalandi nanaman nung "kim gayo" na nakilala nila noon. So nung nag La Union sila nakakausap usap pala nila un at pinapunta nila sa Manila dahil di sila natuloy sa La Union so dumiretso nalang sila ng manila. Nag inuman nanaman. May dalawang babae nanaman na nag punta sa kanila at nakipag landian. Sabi daw nung kim "pre chat mo ung babae na nakita natin sa patar para di sayang luwas natin" tapos ayun nga pumunta, yung isang babae is parang naka landian ng kapatid kong si Cholo which is bata pa at di ko alam kung gaano kalakas ung impluwensyang ginagawa nung kim. Ang masakit pa dito may "halikan nanaman na nangyari" "Jaeanne Alligato" at sa ibang babae nanaman. So 2 days akong umalis ng bahay non at nag muni muni. Pero hindi ako nag "LOKO" or nakipag kita sa kung sino sino. Dahil ang alam ko lang ay misunderstanding at nahilig si jayzam sa alak dahil may pinag dadaanan din sya na never nya inoopen saakin. So makalipas naman ilang panahon naging okay nanaman kami. Pero eto naman ung time na wala na kaming kasamang Family sa bahay kaya wala ng gagabay which is MALI dahil magulang talaga ang dapat pinakikinggan sa lahat. So parang kami lang ni jzam ung anditong matanda sa bahay tapos lahat puro bata na sila obrie cholo adrian jasper kim at jd tapos kami nga ni jayzam. Puro inom nangyari, hanggang sa yung bahay namin sobrang dumi na sobrang gulo na. Nag karoon nanaman ng problema at umalis nanaman ng bahay. Naging ugali ung paalis alis ng bahay bigla twing mag aaway. So nag punta sila ng tagaytay sobrang sakit lang na yung nag trabaho samin ng nag ttranslate sa yt namin is nakakausap ni jayzam. Hindi ako makapaniwala, oo aminin ko lagi ako nag tatanong sakanya kung "niloloko mo bako ganito ganyan, kasi as babae parang palambing lang yun diba dahil gusto natin ng assurance palagi. Pero sinasabi nya na hindi naman nya ko niloloko so panatag ako. Hanggang sa akala ko nasa tagaytay lang sila noon at nag gagala pero may kinita nanaman at nakipag inuman. Sobrang sakit lang dahil etong babae hindi manlang naisip na may girlfriend na si Jayzam at nag s*x pa sila. Hindi ko lubos maisip na sya yung babae nayun. "Nyca Bernardo" Pag nag uusap sila nag ha-heartan pa ng chat. Ang sakit lang sana ikaw na yung umiwas kasi mga panahon nayan na iimpluwensyahan si Jayzam di nya alam gagawin nya, pero yun nga choice mo yun eka nga nila. hindi ko kontrolado isip nya. Alam ko madami pang nangyari. Pero dati nung wala pang nag dala ng alak sa bahay sobrang okay ng lahat. Nag open na sakin si Jayzam ng lahat lahat ng pinang hugutan nya, kasi ayoko patagalin at gusto ko na ng SAGOT dahil yun lang naman ang gusto natin lalo na kapag alam mong nag mamahal ka ng totoo "KASAGUTAN"
Sana next time bago nyo gawin isipin nyo muna yung sakit na dadalhin ng tao, yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo walang perpekto alam natin yan. Pero mahal ko yung tao at hindi ko sasayangin yung kung anong binuo namin simula umpisa. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat. Kaya siguro hindi ako mapakali palagi kasi may ganito pala. Mabait padin saakin ang Diyos kasi nalaman ko lahat. Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya. Sa sobrang bigat.


Loading...

0 comments:

Post a Comment