Sunday, January 3, 2021

Jelai Andres Nagka-COVID Pati Buong Family Niya

Photo: Jelai Andres YT


 Sa bagong vlog ni Jelai kanyang isinalaysay ang mga nangyari sa kanya noong 2020, hindi na mawawala sa kwento niya ang mga nangyari sa kanya na kanyang ibinahagi sa kanyang mga nakaraang vlog, pero hindi alam ng karamihan ay nag-positive din pala siya sa COVID-19 at hindi lang siya pati ang kanyang pamilya. 

Photo: Jelai Andres IG

Sa unang bahagi ng kanyang vlog kanya ring ikinuwento kung gaano siya kasaya nang magkaayos ulit sila ng kanyang asawa na si Jon, matatandaang ikinasal sila ni Jon noong October 2018 pero nagkahiwalay at nagkalabuan noong 2019.

Photo: Jelai Andres IG

Sa dulo ng bidyo kanya nang inamin na nagkaroon siya ng COVID-19 at hindi lang siya pati rin pala lahat ng family niya na nakitara sa iisang bahay, sa una raw wala silang idea kung saan nila nakuha pero nalaman niya na nahawa pala siya dahil may pinsan siyang frontliner na palagi niyang inaaya makasama. Sinabi na rin niya noong October pa siya nagkaroon ng Covid pero ayos na siya ngayon.


Photo: Jelai Andres YT





Loading...

0 comments:

Post a Comment