Sunday, January 3, 2021

Donita Nose Sobrang Napatili sa Pag-amin ng Dating Asawa ni Tekla

Photo: Donekla in Tandem YT

Sa bagong vlog ng Donekla in Tandem nakasama nila Super Tekla at Donita Nose ang dating kinakasama ni Tekla na kung saan nagbunga ang pagsasama nila at ngayon ay dalaga na, si Airene ang dating karelasyon ni Tekla at naging bunga naman si Aira na ngayon ay dalagang-dalaga na.

Ang vlog ay tungkol sa pagdiriwang nila ng bagong taon kaya naman napiling kasama ni Tekla at Donita ang dating karelasyon ni Tekla, saksi naman si Donita sa kung gaano maasikaso si Airene kay Tekla noong sila pa ang nagsasama kaya naman hindi hinahadlangan ni Donita pagdiriwang na ito na sila ang kasama. 


Photo: Donekla in Tandem YT

Naging topic din nila ang relasyon ni Tekla at si Airene at kung bakit sila naghiwalay, at hindi naman itinatanggi ni Tekla na siya ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay hindi kagaya sa bagong ex ni Tekla na dahilan ay ang pagiging huthutira nito kay Tekla at hindi maasikaso kagaya ni Airene kaya naman nauwi sa bokya ang pagsusumbong nito kay RTIA. 

Photo: Donekla in Tandem YT


Photo: Donekla in Tandem YT

Lahat ng anak ay walang hiling kundi ang magkaroon ng maayos na pamilya kaya naman para kay Aira gusto niyang magkabalikan ang kanyang mga magulang hindi bilang magkarelasyon pero bilang maging magkaibigan para naman hindi malayo ang loob niya sa kanyang ama at kahit papaano ay hindi nagkaka-ilangan ang dalawa.

Pagkatapos naman ihipan ni Airene ang kandila ng cake ay inamin nito na miss na miss na niya si Tekla na naging dahilan naman upang kiligin si Donita Nose. 




Loading...

0 comments:

Post a Comment