Monday, January 4, 2021

ABS-CBN Writer Jerry Gracio Binatikos si Toni Gonzaga Pagkatapos Ipagtanggol si Russu


 Matatandaang dinepensahan ni Toni Gonzaga ang isang housemate na na-evict pagkatapos nitong aminin na naging sang-ayon siya sa pagpapasara ng Kapamilya network noon. 

Si Rusu ang pangalawang napalabas sa PBB house at siya ay isa raw batang boksingero na nanggaling pa sa General Santos City, napalabas sa bahay ni kuya si Rusu pagkatapos amining sang-ayon siya dati sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Dahil sa pagkaka-evict ni Rusu humingi naman ng pang-unawa si Toni sa netizens na ‘wag na i-bash si Rusu, sa IG ni Toni ay kanyang sinabi na:


“Back to work this 2021. For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done. People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken. He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. And now that he knows better, He will do better. May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be. I hugged the boy after the show and he kept apologizing. Forgiveness is a gift everyone deserves. #sundayrealization2021”


Naging dahilan naman ito ng pambabatikos sa kanya ng ABS-CBN writer na si Jerry Gracio sa kadahilanang ilang libo raw ang nawalan ng trabaho pagkatapos magsara ang ABS-CBN at ano raw ang karapatan nito para humingi ng pang-unawa para sa isang housemate lamang. Sabi pa niya sa kanyang tweet:

“ Toni, libo ang Kapamilya natin na nawalan ng hanapbuhay. Ano ang karapatan mong mag-sorry sa ngalan ng isang housemate na pumabor sa pagsasara ng ABS-CBN? Wag mong insultuhin ang mga Kapamilya na lumaban pero nawalan pa rin ng trabaho, di tulad mo na may trabaho pa rin ngayon.”




Loading...

0 comments:

Post a Comment