Tuesday, October 27, 2020

Jinkee, Manny Pacquiaotila bumalik sa basic life, tinuruan maglaba ang mga anak


Kamakailan habang naka-quarantine ang buong Luzon at marami na ang nabo-bored, iba ang ginawa ng pamilya Pacquiao.

At naging oportunidad nga raw ito para sa pamilya na ipakilala sa mga anak kung ano nga ba ang “basic” na pamumuhay na kanilang nakasanayan noong panahon na hindi pa uso sa kanila ang mga kasambahay at washing machine.

At idinaan nga rin ni Jinkee sa isang post sa Instagram kung paano nila tinuturuan mag-asawa ang kanilang mga anak na babae kung paano maglaba.

“Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba,” chika ng misis ni Pacquiao.”

Matapos ‘yun ay marami namang natuwa sa ipinost ni Jinkee, at isa na rito ay si KC Concepcion.
Ayon kay KC, bigla niyang naalala ang kanyang lola na nagturo sa kanya nang tamang pagkuskos ng labada.





Loading...

0 comments:

Post a Comment