Tuesday, October 20, 2020

Cassy Legaspi, nasuka matapos bumili ng branded shoes



Kamakailan ng maging usap-usapan sa social media ang anak ni Carmina at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi dahil sa tila nasuka raw ito sa binili niyang branded shoes.

At kung may isang mahalagang lesson daw sa buhay niya na natutunan sa kanilang mga magulang ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, yan ay ang pagiging masinop sa Pera.

Kinatuwa naman ito ng netizens dahil bata pa lang ang magkapatid ay malaki na ang kinikita nila sa pagiging endorsers kaya siguradong secured na ang kanilang future pati na ng magiging pamilya nila.

Sabi ni Cassy:

“Kasi, I don’t know, I’m a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom.

“Why would I buy mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang,” aniya.

“Actually, nagalit si Mommy sa akin kasi hindi ako nag-i-splurge, as in sira-sira na ‘yung shoes ko, as in ‘yung mga pang-taping ko na flats and heels sirang-sira.

“But I still don’t want to buy. I don’t know why? Kaya sabi ni mommy na, ‘Okay, look, you are earning a lot, so it’s okay to spend.”

“Hindi naman ‘yung okay mag-shopping tayo every day, tipong you would invest every now and then.”

“So, I bought heels, after I bought it nasuka ako kasi na-stress ako. Ha-hahaha! Hindi ko talaga kaya,” kuwento ni Cassy.





Loading...

0 comments:

Post a Comment