Ngunit binasag nga ni Kuya Kim ang ilang netizens na nag-comment sa isa
niyang Instagram post tungkol sa patuloy na pagseserbisyo publiko ng ABS-CBN
sa pamamagitan ng online streaming.
Talagang nakipagsagutan siya sa mga bashers na patuloy ang pambabagsak sa
Kapamilya Network kahit na nga nagsara na ito at nagresulta sa malawakang
retrenchment.
Mensahe ni Kuya Kim, “Tuloyang serbisyo. Baka dito talaga papunta ang telebisyon, nauna lang kami dahil sa mga nangyari?”
“Praise God, Lahat may dahilan!” Dagdag pa niya pa.
Agad naman sinagot ito ng isa niyang IG follower ng,
“In the service of the oligarchs.”
Na inalmahan naman ni Kuya Kim at nag-reply ng, “Define oligarch?”
Ngunit hindi ito diretsong sinagot ng basher sa halip sinabihah nito ang
TV host ng,
“Stupid question. I don’t quarrel with street fight.”
Napansin naman daw ni Kuya Kim na halos pare-pareho ang mga komento ng
netizens sa kanyang IG post, puro “In the service of the Oligrachs” ang sinasabi ng mga ito.
“Pare pareho ang assignment ng mga troll. cut and paste,”
hirit niya.
Isang netizen naman ang nagsabing,
“Troll di sang-ayon sa inyo no? If your network is for the service
of the Filipino, can you share a documentary about high cost of
electricity and water? Wala dba, puro drama lang?”
Sinang-ayunan naman ito ng iba pang namba-bash kay Kuya Kim na nagsabi
pa ng, “Unfollow. In the service of the oligarchs.”
Sagot naman ng TV host sa kanila, “Please do.” Na sinagot
uli ng basher ng,
“Yup. Death to ABS-CBN celebrity Oligarchy.”
Sagot namn sa kanya ng TV Patrol weatherman,
“Celebrity oligarchy? bago yun ah. please define?”
Base sa isang dictionary, ang “oligarkiya” ay tumutukoy sa
grupo ng ibdibidwal na may kontrol sa isang organisasyon o isang bansa.