Thursday, July 23, 2020

Bea Alonzo, buking daw sa kumakalat na litrato na may kasamang lalaki sa isang tila ramen restaurant sa Japan


Kamakailan ng tila na-spread ng husto sa social media ang larawan ni Bea Alonzo na may kasamang lalaki na ang pangalan daw ay Dominic Roque.


Matapos kumalat ito sa socmed, dumagsa ng mga katanungan si Bea tungkol sa nakitang kasama niyang lalaki.

‘Yan nga ang tanong ng netizens matapos mag-trending ang latest Instagram post ng Kapamilya actor.

Mas tumindi pa ang paniniwala ng fans ni Bea na may “something” na sa kanila ni Dominic dahil sa ibinahaging litrato ng binata sa IG kung saan makikitang magkatabi ang isang babae at isang lalaki.

Tila nasa ramen restaurant ang dalawa pero natatakpan ng kurtina ang kanilang mukha. Naka-black t-shirt with horizontal red stripe ang lalake habang nakasuot naman ng itim na blazer ang babae at may gold bracelet.


Kuha raw ang litrato sa Tokyo, Japan base na rin sa location na nakalagay sa INstagram post. Ang caption dito ni Dominic ay, “Tila Ako’y nabighani… [heart emoji].”

Ilang netizens ang nagpatunay na ang latest post ni Dominic ay kuha nga sa trip nila ni Bea sa Japan last year.


November, 2019 daw ang unang nag-post Si Dominic sa Instagram ng mga photo mula sa pagbabakasyon niya sa Tokyo, Japan. Sa ilang litrato ay kasama niya si Bea.

Base sa mga unang post ng binata, magkapareho ang OOTD ng dalawang taong may takip ang mga mukha sa suot nina Dominic at Bea habang nasa loob ng ramen house.

Mapapansin din na halos pareho ang posisyon ng dalawang Kapamilya stars sa mga nasabing litrato. Kaya ang paniwala ng kanilang mga IG followers, may relasyon na talaga sila.


Loading...

0 comments:

Post a Comment