Friday, July 24, 2020

Matteo Gudicelli, may hugot sa pananahimik at tila may resbak daw kay Angel Locsin matapos silang pagsalitaan kamakailan


Kamakailan ng mag-viral at maging usap-usapan sa social media ang tila post ng asawa ni Sarah Geronimo-Guidecelli na si Matteo Guidicelli.

Ang sabi ng Singer-actor, “Manahimik ka na lang kung wala kang sasabihing maganda.”

‘Yan ang mensaheng nais iparating ng Kapamilya singer-actor na si Matteo Guidicelli sa netizens sa gitna ng ginagawang protesta sa pagpapasara sa ABS-CBN.


At naniniwala raw si Matteo na mas okay nang manahimik kung alam niyang hindi naman makabubuti ang mga sasabihin niya.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang asawa ni Sarah Geronimo na isang quote card na pinaniniwalaang sagot nito sa patutsada ni Angel Locsin sa lahat ng mga Kapamilya stars na nananatiling tahimik sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

“Speak only when you feel that your words are better than your silence,” ang laman ng quote card ni Matteo na isang sikat na Arabian proverb.

At nauna pa rito na nag-post din si Matteo sa Instagram ng isang litrato ng kandila na may caption na, “We lit a candle last night. Took a moment and prayed for each and every employee some of which are close to my heart from the years we spent together.

“Hold on tight, we will rise again,” mensahe pa ng kasalukuyang youth ambassador ng National Youth Commission.

At kung matatandaan kasi, sa ginanap na rally at noise barrage ng mga empleyado ng Dos kamakailan, pinagsalitaan ni Angel ang mga kapwa Kapamilya stars na ayaw manindigan para sa network.

Galit na sabi ni Angel:

“At sa mga kapwa kong artista na hindi nagsasalita, tatahimik pa ba kayo? Wala na kayong network!”

“Kahit magpa-cute kayo sa Instagram, kahit mag-send kayo ng sad face. Hindi ninyo nadadamayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

“Huwag kayong matakot! Wala na kayong proprotektahan na career or image! Nandito na tayo sa panahon na kailangan ninyo magsalita!”

At makalipas ang isang araw, naglabas naman si Sarah Geronimo ng official statement tungkol sa naging desisyon ng Kongreso na huwag nang i-renew ang prangkisa ng istasyon.

“Mahal ko po ang aking ABS-CBN family. Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.

“Nakikiisa po ako sa kanilang apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makapagbigay serbisyo para sa kani kanilang mga pamilya at para sa bansa,”



Anak na suspek, viral ang lumang posts sa nanay bago niya patayin ito


Kamakailan ng mag-viral sa social media ang isang anak na kung saan ay nabalitang kinitil nito ang buhay ng sariling ina, kasama ang bf nito.

Namataan ang labi ng ina nito sa septic tank matapos ang apat na taon at ang suspek nga sa trahedyang ito ay ang sarili niyang anak at ang nobyo Ito.


At ngayon naman, naging viral sa social media ang mga lumang post ng anak para sa kanyang nanay bago ito mawala. Base sa mga post, naging sweet naman noon ang anak sa kanyang nanay at ganito rin ang nanay niya sa kanya.

2016 daw ay nawala na raw si Evelyn, pero ang sabi ni Joanna sa mga kapatid niya, pumunta lang ito sa Singapore dahil nagtatampo. 

Sa isang Facebook post ni Joanna, makikitang binati niya pa noong Mayo 2016 ng Happy Mother’s Day ang nanay niya.


“Hi Ma! Happy Mothers Day pati nadin sakin HAHA! Wish you all the best Thank you for being a Mother/Father samin ni Kuya and Johan. Yieee!” sabi ni Joanna sa post. “Sorry sa lahat alam mo na yun. Dami eh haha. Basta kahit anong mangyare Love kita. P.S. sa birthday ko ah! LamNa!” 

Noong Hunyo 2016 naman, nagpasalamat pa si Joanna sa nanay niya dahil sa regalo nito para sa kanyang 18th birthday.



Thursday, July 23, 2020

Michale V, dinrawing ang Pangulong Duterte at may mensahe ito na nakakaantig ng puso habang nagpapagaling


Nagyon lang ng may mag-post ng larawan ng komedyanteng si Michael V, kasama ang tila dinrawing daw ni Michael V na si Pangulong Duterte.

Agad itong nag-viral sa social media at bugso rin ang paghanga lalo ng netizens sa ginawa ng sikat na komedyante.


Na-touch din ang karamihan sa effort na drawing sa pangulo ni Bitoy at mensahing tagos talaga sa puso nating


Ito ang mensahe ni Michael V:

“Mabuhay ang pangulo! Walang iba… s’ya na nga! Wala ka nang magagawa, bayan na ang nagsalita. Sa bawat bagong araw, mayro’ng bagong simula. ‘DAPAT TAMA’ isa-puso sa isip at sa salita.” 🇵🇭

“Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan ‘Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan. Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan Tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan. Awatin na ang dilang masakit magsalita. Pakawalan ang pusong makatao ang gawa. 

Bea Alonzo, buking daw sa kumakalat na litrato na may kasamang lalaki sa isang tila ramen restaurant sa Japan


Kamakailan ng tila na-spread ng husto sa social media ang larawan ni Bea Alonzo na may kasamang lalaki na ang pangalan daw ay Dominic Roque.


Matapos kumalat ito sa socmed, dumagsa ng mga katanungan si Bea tungkol sa nakitang kasama niyang lalaki.

‘Yan nga ang tanong ng netizens matapos mag-trending ang latest Instagram post ng Kapamilya actor.

Mas tumindi pa ang paniniwala ng fans ni Bea na may “something” na sa kanila ni Dominic dahil sa ibinahaging litrato ng binata sa IG kung saan makikitang magkatabi ang isang babae at isang lalaki.

Tila nasa ramen restaurant ang dalawa pero natatakpan ng kurtina ang kanilang mukha. Naka-black t-shirt with horizontal red stripe ang lalake habang nakasuot naman ng itim na blazer ang babae at may gold bracelet.


Kuha raw ang litrato sa Tokyo, Japan base na rin sa location na nakalagay sa INstagram post. Ang caption dito ni Dominic ay, “Tila Ako’y nabighani… [heart emoji].”

Ilang netizens ang nagpatunay na ang latest post ni Dominic ay kuha nga sa trip nila ni Bea sa Japan last year.


November, 2019 daw ang unang nag-post Si Dominic sa Instagram ng mga photo mula sa pagbabakasyon niya sa Tokyo, Japan. Sa ilang litrato ay kasama niya si Bea.

Base sa mga unang post ng binata, magkapareho ang OOTD ng dalawang taong may takip ang mga mukha sa suot nina Dominic at Bea habang nasa loob ng ramen house.

Mapapansin din na halos pareho ang posisyon ng dalawang Kapamilya stars sa mga nasabing litrato. Kaya ang paniwala ng kanilang mga IG followers, may relasyon na talaga sila.