Wednesday, April 8, 2020

Netizens, na-shock matapos maliitin ni Rufa Mae si Ethel Booba sa GGV?


Kamakailan in-announce rin ni Vice Ganda ang financial assistance na ibibigay niya sa mahigit 400 employees ng kanyang  Vice Cosmetics kabilang na riyan ang early release ng 13th month pay, service incentive leaves, loans at non-conditional cash assistance program.


Sa Gandang Gabi, Vice kagabi, super laugh trip si Vice sa kanyang guests na sina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto.

Sobrang nakakabaliw kasi ang kanilang kuwentuhan. Wala talagang ginawa ang tatlo kundi maghalakhakan at maglaglagan sa kanilang mga kalokahan.

Nung nagtanong si Vice kung sino ang mas matalino sa kanila, sabi ni Ethel:

"I think wala tayong winner tonight."

"It’s a tie," sabi naman ni Rufa Mae, sabay tanong kay Ethel Booba kung nakapag-aral ito

"Oo naman. Hello, kung makapagtanong ka sa akin…hello, may book ka?" ganting hirit ni Ethel Booba kay Rufa Mae.

"Ako kasi hindi naka-graduate sa college," sabi ni Rufa Mae.

"Bago ka magkaroon ng book dapat talaga ano…hindi siya fake news," patutsada ni Ethel Booba.

"Ano ba ang natapos mo?" Tanong ni Rufa.

"Ayokong magtapos. Masyadong masaya talaga ‘yung school journey. Nakaka-inspire talaga ‘yung may mga crushes," sagot sa kanya ni Ethel Booba.




Loading...

0 comments:

Post a Comment