Saturday, April 4, 2020

Luis Manzano, niresbakan ang isang binata na sinabing bayot siya matapos niya paringgan si Angel Locsin


Kamakailan ang akala ng madlang pipol ay tahimik na lang si Luis Manzano sa mga bashers at haters sa social media, nagkakamali kayo.


Muling niresbakan ng TV host-comedian ang ilang netizens na nang-okray sa kanya sa Twitter, partikular na ang tumawag sa kanya ng bayot o bakla.

Sa isang tweet ni Luis, nag-comment ang isang netizen ng, "Hoy bayot pag hilom," o "Hoy bakla manahimik ka"sa Tagalog.

Reply ni Luis:

"Kung maka-bayot ka naman as if masama maging bayot, itsura mo nga ‘yung nagnanakaw ng bag sa fastfood."

Hirit pa ng boyfriend ni Jessy Mendiola:

"Kung makasabi ka naman ng bayot, as if masama maging Bayot, tandaan mo ang LGBT+, breakfast lunch dinner ay discrimination ng ibang tao, at hinahassle pa… "

"But yet, they always excel sa kahit anong gawin nila (smiley emoji) bayot ba ako? Nope (smiley) lupit ba nila? yes!" resbak pa

Comment naman ng isa niyang follower sa Twitter, ang naging pahayag niya ay halatang galing sa bading, "Ay alam ko yang sagot na yan. Bayot kaayo hahaha."

Hirit pa ng naunang nam-bash sa binata, "Luis bakla din po ako no need na pangaralan ako."

"Hindi kita dini discriminate, dini describe po kita. Alam ko at amoy na amoy ko. I hope mahanap mo sa sarili mo yung totoong identity mo po."





Loading...

0 comments:

Post a Comment