Saturday, April 4, 2020

Luis Manzano, minura raw ni @vilmaSRecto sa Twitter



Kamakailan ng isa nga si Luis Manzano sa pinagdiskitahan ng mga supporter ni President Duterte, na ipinagtataka nga niya, dahil wala nga raw siyang nai-tweet na tungkol sa Pangulo.

Sabi ni Luis:

"Please let me know ano sa mga tweets ko ang political or partisan. I’ll wait!" 


Kay Luis din idinaan ng ibang supporter ni President Duterte ang galit nila sa ibang mga kapwa artista ni Luis na naglabas ng galit dahil sa naging mensahe ng Pangulo nitong nakalipas na gabi.

"Ang iingay ng mga kasama mong artistang hindi naman nakapag-aral. Bandwagoners. Pa woke. Pinoise!" sabi ni @pamsaidwhat.

Sagot naman ni Luis:

"Hindi kelangan na makapag-aral para may paninindigan o opinion, wag bobo."

Pero ang ikinabaliw ng lahat ay ang pagtatalo nila ng isang Twitter account (@vilmaSRecto), na ang photo ay larawan nga ng nanay niyang si Cong. Vilma Santos.

Kaloko nga raw ang mga tweet ni @vilmaSRecto:

"Eh put@#$ ina ka! Hindi ka namin pinalaki ni Edu para mag-rant sa socmed? Ur using everything to stage something just to maximize the likes in ur socmed. Nagiging altruistic ka lang anak!"

Kung bago-bago ka nga raw sa Twitter, o wala kang alam, siguradong sasakay ka, maniniwala ka na oo, nag-aaway nga sina Luis at Vilma.

May kasunod pang tweet si @vilmaSRecto na:

"Anak hindi kita pinalaki ng ganiyan para manghamak ng tao. Si Edu Manzano hindi ganyan!"

Loading...

0 comments:

Post a Comment