Sunday, April 12, 2020

KC Concepcion,tinawag na "gaga" ng netizen dahil sa nilutong pasta at hindi raw ito nakakatulong


Kamakailan ng dahil lang sa iniluto ni KC Concepcion na pasta dish, isang netizen ang nam-bash kay KC at walang takot na tumawag sa kanya ng "gaga".


Sa kanyang Instagram account, nag-share ang anak ni Megastar Sharon Cuneta ng isang pasta recipe pati na ang paraan ng pagluluto nito  ang "Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini." May caption itong, "Pasta Night."

Sa kanyang IG video, sinabi ni KC na ang mga kailangang ingredients dito ay ang mga sumusunod: white garlic, salmon, tomatoes, chili, salt, pepper, cayenne, paprika, coconut sugar, seasoning, tomato sauce, almond flakes at noodles.

Maraming nagkomentong netizens na mukhang masarap ang pasta dish ng singer-actress at ita-try nila itong gawin sa kanilang mga tahanan. Bukod daw kasi sa madali lang gawin ay healthy din ito.

Pero may isa ngang basher ang nambasag sa trip ni KC. Aniya, hindi praktikal ang magluto ng ipinost niyang pasta dish dahil mahirap daw hanapin ang mga ingredients na ginamit niya.




Loading...

0 comments:

Post a Comment