Friday, April 3, 2020

Angel Locsin at netizens, na-touch sa wish ni Isko Moreno para kay Angel Locsin


"Mabasa ka sana ng ulan para dumami ka pa!"

'Yan ang wish ni Manila Mayor Isko Moreno para kay Angel Locsin sa walang sawang paghahatid nito ng ayuda para sa mga bayaning Pinoy frontliners.


Ito ay matapos ngang mag-donate ang Kapamilya actress kasama ang fiancé nitong si Neil Arce ng dalawang isolation tents sa Maynila para matuluyan ng mga medical a at healthcare workers.

Kamakailan ay dinala rin ang mga tent sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo kamakailan bilang bahagi ng #UniTENTweStandPH fundraising campaign ng Team Angel para sa paglaban sa COVID-19.

Ayon sa aktres, ang mga isolation tents ay maaaring ipagamit sa mga Person Under Investigation "PUIs" o ng mga COVID-19 positive.

Sa pamamagitan ng livestream public announcement, nag-thank you si Yorme Isko sa lahat ng nagbigay ng donasyon sa kanilang lugar. Partikular nga niyang binanggit diyan sina Angel at Neil.

Ito ang mga sinabi:

"Si Angel Locsin. Siya po ay isang artista, at kilala po ninyo at kilala nating lahat si Angel Locsin, and Neil Arce."

"Nagbigay po sila ng dalawang big tent for Gat Andres Bonifacio Hospital. Maraming salamat sa iyo, Angel Locsin."

"At patuloy ka sanang magtagumpay sa iyong karera. At mabasa ka sana ng ulan, nang dumami ka pa,"




Loading...

0 comments:

Post a Comment