Sunday, April 5, 2020

Alex Gonzaga, sumagot sa nambabatikos at nag-aakusa sa kanya na nagkakalat siya ng fake news


Kamakailan ng akusahan ng ilang netizens ng pagpapakalat ng fake news sa social media si Alex Gonzaga sa gitna ng nangyayaring health crisis sa bansa.


Naging usap-usapan kasi ang ni-repost ng Kapamilya actress-TV host na isang forwarded message sa Twitter tungkol sa balitang posible nang mahawa ng COVID-19 ang mga tao sa pagpunta sa mga grocery store o supermarket.

Kasama pa nito ang panawagan na mamili na ng maraming pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan ang publiko at huwag kalimutang i-disinfect ang mga grocery items "with 1 cup chlorox and 9 cups water."

Mabilis naman itong pinabulaanan ng Philippine General Hospital na itinalaga na ngayong COVID-19 Referral Center. Ayon sa PGH, nananatili pa rin ang dalawang risk factors para mahawa ng killer virus ay ang "travel history from areas with known local transmission, and (2) close contact with COVID-19 (+) patients."

Isang netizen ang nag-tag kay Alex sa inilabas na advisory ng PGH kalakip ang screenshot ng  tweet ni Alex na naglalaman umano ng fake news.

Narito naman ang reply ng kapatid ni Toni Gonzaga, "Hi yes! Sorry i deleted it na! It was forwarded kasi from a friend na may contact sa doctors. Pasensya na."

Sinagot din ni Alex ang isang Twitter user na nagsabing, "Alam mo sa totoo lang, ikaw at ang kapatid mo, isa sa mga artistang walang character development. I said what I said, I hope maintindihan mo ito."




Loading...

0 comments:

Post a Comment