Tuesday, March 3, 2020

Nanay ni Sarah na si Mommy Divine, inutos sa guard ng tinitirhan nila Sarah na i-banned sila at wag papasukin sa Subdivision


Kamakailan ng maging usap-usapan na hatid-sundo ngayon ni Matteo Guidicelli ang kanyang misis na si Sarah Geronimo.

Idadaan daw muna ni Matteo si Sarah sa linya ng trabaho nito at babalikan na lang kapag tapos na.
Malaya na nga raw nilang gawin 'yun dahil mag-asawa na sila ngayon.


Na-trauma nga raw ang mag-asawa sa ginawang pagsugod ni Mommy Divine sa reception ng kanilang kasal.

Hindiraw  simpleng makakita ng isang taong nagwawala, sigaw nang sigaw, baka nga raw hanggang sa kanyang panaginip ay naaalala pa 'yun ni Sarah.

Kuwento raw ng isang netizen:

 "Ganu'n ang ginagawa ngayon ni Matteo, meron din kasi siyang trabaho, kaya hatid-sundo niya si Sarah. Pero meron siyang in-assign na PA at security ni Sarah."

Ang pinakahuling balita raw ay banned nang pumasok sa St. Charbel Subdivision ang mag-asawa. 'Yan daw ang utos sa mga guard ng subdivision at nagmula sa mga magulang ng singer-actress.





Loading...

0 comments:

Post a Comment