Saturday, March 14, 2020

Pamangkin ni Margie Moran, na dating BB. Pilipinas candidate lalaban sa Miss U PH


Kamakailan ng maging usap-usapan ang siguradong mahaba ang live coverage ng unang edisyon ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa SM Mall of Asia "MOA" Arena sa May 3.


52 daw ang bilang ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng kapuluan, kabilang ang mga pageant returnees na sina Michele Gumabao (2019 Binibining Pilipinas-Globe) at Sandra Lemonon.


'Yun daw ang hulit na hinawakan ni Ms. Stella Marquez de Araneta ang local pageant makaraan ng mahabang panahon. Si 2011 Miss Universe Chamsey Supsup now heads the organization.

Ipinakilala sa press ang mga candidates noong Feb. 14, pero ang masasabing unang public appearance nila was on Feb. 29 in what was called as pasarela or pageant walk na ginanap sa Bonifacio Global City kung saan kulay itim ang kanilang mga kasuotan.

Isa sa sa 52 candidates daw ang pamangkin ng 1973 Miss Universe Margarita "Margie" Moran (now Floriendo) named Ysabella “Bella” Roxas Ysmael, 23 years old. In one photo ay magkahawig ang magtiyahin lalo na sa lower part ng mukha.


'Di na raw bago sa pageant world si Bella as she represented Barangay BF Homes and won the title Binibining Parañaque in 2014. She also won first runner up in 2018 Century Tuna Superbods contest.
Ang kanyang amang si Charlie na isang radio DJ at The Breed vocalist and Margie are cousins. On her mother’s side, lola naman niya ang veteran actress na si Marita Zobel.

Gaya ng kanyang tiyahin, ballet dancer and a supporter of Filipino arts din si Bella. Academically, nagtapos siya ng BS Psychology mula sa De La Salle University sa Taft, Manila. Ang adbokasiya niya ay mental health awareness.

Sinusuportahan din ni Bella ang mga karapatan ng kababaihan. Kung "confidently beautiful" noong nagdaang panahon ang slogan ng Binibining Pilipinas, nakaangkla naman ang Miss Universe Philippines on three key pillars namely Beautiful Transformation.






Loading...

0 comments:

Post a Comment