Saturday, March 7, 2020

Netizens, nagulat matapos ipatigil ni Willie sa pagkanta ang batang contestant sa Wowowin


Kamakailan ng mag-viral ang nakaraang episode ng Wowowin kung saan biglang pinatigil ni Willie Revillame ang pagkanta ng isang contestant sa "The Will to Win."

Tila 'di pumayag ang comedian-TV host na basta na lang mag-perform ang bata pagkatapos magkaproblema sa audio ng kanyang piyesa.


Makikita na biglang pumagitna si Willie sa stage at pinatigil ang performance ni Adah Leosala matapos niyang mapansin na hindi maganda ang ginamit nitong minus one, “Sandali, unfair sa kanya 'yan eh.

Sabi ni Willie:

"Dapat tama ang pasok n'yo ng music. Mali ang pasok n'yo (ng music). Sorry hija. Kawawa ‘tong batang ‘to."

Nalaman kase ng TV host at ng production na ang contestant lamang ang nag-edit ng kanyang minus one gamit ang mobile phone.

Bumilib naman si Willie kay Adah dahil ginagawa raw nito ang lahat para maabot ang pangarap.

Ang naging desisyon ni Willie ay huwag nang gamitin ang minus one at pinatugtog nang live ang musicians ng Wowowin. Palakpakan naman ang audience after ng performance ni Adah.

Sabi ni Willie:

"Impromptu po 'yun ah. 'Yun ay biglaan lang kasi 'tong batang 'to, siyempre wala naman pera pang-edit, sa cellphone lang. So magmula ngayon, Michael, Jon, lahat ng nagha-handle ng The Will to Win, buti na lang ako ang may host dito dahil kung hindi ako, pinabayaan niyo na ‘yan. Nakita mo lumabas ‘yung galing."




Loading...

0 comments:

Post a Comment