Kamakailan ng muling mabuhay ang dating interviews ng parents ni Sarah Geronimo-Guidicelli, especially ng kanyang inang si Mommy Divine.
Hanggang ngayon daw kasi ay wala pa ring lumalabas na interview sa panig ng mga magulang ng Popstar Royalty matapos ang kontrobersyal at maiskandalong kasal ng kanilang anak sa aktor na si Matteo Guidicelli.
Hindi naman daw talaga mahilig magpakita sa showbiz at magpainterbyu ang mga magulang ni Sarah. Pwera na lang daw kung nirerequest ng mga namamahala sa career ni Sarah lalo na kapag may prino-promote itong movie.
Kaya karamihan sa showbiz news sa print and online naghahalukay ng mga dating interbyu o statement nina Monmy Divine at Daddy Delfin.
Tulad na lang daw ng lumabas na article sa isang magazine kung saan nasabi ni Mommy Divine kung paano nila inalagaan at pinoproteksyunan si Sarah, "Hindi kami nagkulang sa pagsasalita. Lalo na ako, nagiging kontrabida ako. Okey lang. Sabi ko,"
"Okey lang iyon, kahit kontrabida ako."
Ang importante raw hindi siya masisisi ng Diyos na pinabayaan niya ang kanyang anak, "Na, ‘Ikaw kasi, pinabayaan mo.’ At least, wala akong pagsisisihan in the end na nagkulang ako."
Dagdag pa niya:
"Obligasyon ng mga magulang ang mga anak, e. Kung ano’t ano ang mangyayari diyan, mas una pang mamamatay ang ina kaysa sa anak."
Loading...
0 comments:
Post a Comment