Wednesday, March 4, 2020

James Yap at Michaela Cazzola, hiwalay na!


Matunog na matunog ngayon ang usapang, hiwalay na raw si James Yap sa ina ng dalawang anak nito na Michela Cazzola.

Kamakailan sa social media ay parehong may mga post pa sina James at Michela, pero palaging kasama ang mga anak nila at walang silang dalawa lang gaya dati.


Noong holiday season daw ay mag-isa lang nagbakasyon si James sa New York at hindi niya kasama ang kanyang mag-iina.

Sa birthday daw ng manager niyang si Dondon Monteverde nakaraang linggo raw ay mag-isang dumating si James sa party.

May nagtanong  daw sa kanya tungkol sa hiwalayan pero umiiwas siya sa isyu.

Ilang malalapit sa basketball player ang nagsasabing hiwalay na nga ito, pero ayaw nitong pag-usapan publicly. Okey daw ang relasyon ni James with Michela, para na rin sa dalawa nilang anak.




Loading...

0 comments:

Post a Comment