Thursday, March 5, 2020

Isang lalake, pinasok daw ang bahay nina Keith Talens at Vena, nahuli sa cctv!


Kamakailan ay matatandaang nagka-issue sina Keith Talens at ang dati niyang driver na si Mang Jun na kung saan ay umabot pa ito kay Raffy Tulfo.

Unang pinagmulan ng matinding pagkalat ng alitan ng dalawa ay ang tila panununtok daw ni Mang Jun sa isang security guard ng isang subdivision na kung saan nakatira mismo ang vlogger na si Keith.


Nag-viral agad ang video na ito dahil nga kilala na rin ng karamihan ang driver niya, dahil halos lagi itong kasama ni Keith sa kanyang vlog.

Ngunit maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon na kung saan ay hati ang pinapaburan ng mga ito.

Sa panig ni Mang Jun ay sinasabi ang tila pag set up lang daw nina Keith at asawa nitong si Vena ang ginawa nila kay Mang Jun, kaya naka-ready na agad ang camera bago mangyari ang suntukang naganap.

Ito naman nga ang update kina Keith at Vena at sa kanilang mga katulong, nag-upload si Keith ng isang vlog nanaman at ang sabi sa tittle ay pinasok sila ng isang lalaki sa loob ng bahay at nakuhanan pa sa cctv.

Narito ang video:



Loading...

0 comments:

Post a Comment