Tuesday, March 17, 2020

Heart Evangelista, sinagot ang basher niya na gusto siyang mamatay


Kamakailan ng mabatikos ang actress na si Heart Evangelista na agad namang pinagtanggol ng ilang netizens.

"Kasalanan ba ang maging mayaman?" Yan ang pagtatanggol ng netizens sa bashers ni Heart Evangelista na walang tigil sa pambabatikos sa aktres.


Na-shock ang Kapuso actress sa comment ng isang netizen na tila pinagbantaan na ang kanyang buhay nang dahil sa estado ng kanyang buhay.


Ni-repost ni Heart Evangelista ang message sa kanya ng netizen, anito, "Heart Evangelista is such a darling but she’ll be first in line when we start to guillotine the rich."

"You really think I don’t have problems so bad I can’t function? I’ve been working so so hard for 23 years and I can’t be happy for myself and actually share my blessings?"

"You seriously want to kill me?" hirit pa ng aktres.

Kasunod nito, nakiusap siya na itigil na ang pangnenega sa mga taong wala namang ginagawang masama,  "People wake up. Pray… pls pray we should all be helping each other and that doesn’t mean posting it on social media."

"Help cause that’s what God wants. Stop hating. Start loving one another. Start making a difference. Small or big."

"Try harder to be better and the universe will work towards giving you more happiness."

Isang netizen naman ang nagtanong kung may naitulong ba si Heart sa kinakaharap na problema ngayon ng bansa dulot ng coronavirus disease o COVID-19.

"When you ask the community to buy the products you endorsed, watch and support your shows they never hesitate. NOW, the community needs you as you have the resources (because of the community) – I hope you are giving back."

Reply ni Heart:

 "That my dear is between God and I. My ‘likes’ in heaven is more important than my likes on social media."






Loading...

0 comments:

Post a Comment