Tuesday, March 31, 2020

Ethel Booba, binanatan ang babaeng kumukuha ng temperature sa palengke


Kamakailan ng banatan ni Ethel Booba ang isang babae na kumukuha ng temperature ng mga namimili gamit ang thermal scanner.


Nag-viral ang nasabing video dahil hindi naman talaga tinitingnan ng girl ang body temperature ng mga taong pumapasok sa palengke.

Comment ni Ethel sa Twitter:

"Kala mo cashier ghorl na nag scan ng bar code. Charot!"

Ang daming nag-react at nag-agree sa singer-comedienne. Ano nga ba naman ang silbi ng pagkuha ng temperature ng mga customers kung hindi naman nila titingnan ang resulta.

At kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa mga public place, hindi imposibleng mas dumami pa ang COVID-19 cases sa bansa. Meaning, magiging useless ang pagsasakripisyo natin sa hindi paglabas ng bahay dahil sa enhanced community quarantine.

"Anong ginagawa nya? Ni hindi tinitingnan kung anong temperature ang lumabas. Ano yan? Pa ek ek lang"

"Bakit di na lang hingan ni ate ng SM advantage card tutal parang nag scan lang sya ng mga barcodes ng items. Hahaha!"




Loading...

0 comments:

Post a Comment