Sunday, March 15, 2020

Erich Gonzales, na-bash matapos ibuking ang mga sikreto nina Maine Mendoza at Arjo Atayde


Kamakailan ng maging usap-usapan na daig pa raw ni Erich Gonzales ang isang tsismosa dahil sa episode niya sa kanyang YouTube channel na "Car Raid With Arjo Atayde".

Kuwentuhan nga ang nangyari kina Arjo at Erich, si Erich na habang hawak ang cellphone o camera niya ay todo usisa sa mga kaganapan kay Arjo.


At isa nga raw sa mga unang tanong ni Erich ay kung sino-sino na raw ba ang mga nakasakay sa kotse ni Arjo.

"My friends, girlfriend, family, ­everyone…" sagot naman ni Arjo.

"Si Babs nakasakay na ba?" tanong ni ­Erich, na sinundan pa niya ng tanong na, "Bakit nga ba Babs ang tawag mo sa kanya?"

Na sinagot naman ni Arjo na:

"Yes, may story behind it. Na-misspell lang sa text ko. Imbes na baby ang ilagay ko, babs nalagay ko."

Tuwang-tuwa naman si Erich sa sinabi ni Arjo, dahil unique nga raw. "Parang girlfriend mo, si Maine, unique."

Na sinundan pa niya ulit ng… "Ay, happy anniversary. One year na kayo."

"Yes! Yes!" pag-amin ni Arjo.

"Palawan. Ang dami niyo na napuntahan together," hirit ulit ni Erich.
"We like travelling also," sagot ulit ni Arjo.

Sabi ulit ni Erich, "Sabi ‘pag nagta-travel mas nakilala niyo isa’t isa."

"Yes, ganoon nga. Pero, normally kapag nagta-travel kami, may mga kasama ­kaming mga friends. Bonding time rin as well. Pero of course, may time kami together," saad ni Arjo.

Tanong ulit ni Erich, "ano na-disover niyo sa isa’t isa? Naks, napaka-chismosa ko."

"Siguro pinaka-ano lang, ano ba na-discover ko? Ahhhh…"

"Siya kasi ang nagpaplano sa mga itine­rary. Mostly her. Pero ‘pag may mga surpri­ses ako, me naman. Ako rin naman,” sabi na lang ni Arjo."




Loading...

0 comments:

Post a Comment