Wednesday, March 4, 2020

Coleen Garcia, rumesbak sa mganetizens na nagsasabing kulang siya sa pagkababae


Masaya raw ang kasal noon pang April 2018 ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

At isa pa nga raw sila sa mga favorite couple ng mga fans na inaabangan ang mga sweet post sa social media simula noon at ngayon.


Kaya sa kasal nina Jay-R na bestfriend ni Billy at Mica Javier, 'di nawala ang dalawa na tila sila pa nga ang kinasal ulit sa sobrang sweet.

Parehas daw sila na may entry sa Instagram kung saan makikitang naglalambingan sila habang nasa kasal nina Jay-R, Mica.

Masaya ang mga fans na makita na sweet ang da­lawa, pero ang umagaw ng atensyon ng karamihan at ni Coleen ay nang may magsabi na tila may kulang daw sa relasyon nila ni Billy.

@billycrawford "I suggest na anak na lang po, maybe, one or twins (clap emoji) yun na lng po kulang. Hopefully girl para make-up vlog sila ni mam @coleen. Thanks!" comment ng isa.

Agad namang sumagot si Coleen: 

"Wala pong 'kulang' (smile emoji) everything in God’s time, not other people’s" sagot ni Coleen





Loading...

0 comments:

Post a Comment