Friday, March 6, 2020

Angelica Panganiban: Gustong-gusto kong mag-asawa at magka-baby pero…


Kamakailan ng maging usap-usapan na mukhang tanggap na ni Angelica Panganiban kung hindi na dumating ang kanyang “Mr. Right” at tumanda nang dalaga.

Ayon daw kase sa Kapamilya actress, masaya siya ngayon sa kanyang buhay kahit walang boyfriend at ine-enjoy niya nang sobra-sobra ang pagiging single.

Pero ayon daw sa tinaguriang Hugot Queen, gustung-gusto rin niyang magkaroon ng sariling pamilya  at ang mag-asawa at magkaanak.


Ito ang sabi ni Angelica sa isang netizen na nagtanong siya sa pamamagitan ng Twitter kung hindi ba siya naiinggit sa mga kaedad niyang celebrities na nagpapakasal na para bumuo ng sari-sarili nilang pamilya.

"How’s your love life? ‘Di ka ba minsan napapaisip na ‘yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids na or family na, tapos ikaw wala pa?" tanong ng isa niyang follower

"Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo ‘yun,"

"Always. Gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay ‘yun. Okay naman ako." ito naman ang sagot ni Angelica

"Gusto ko mag-asawa. Parang ice cream lang hiningi ko eh noh?"

Pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single!




Loading...

0 comments:

Post a Comment