Tuesday, March 10, 2020

Alex Gonzaga, na-bash at kinuyog dahil daw sa holdap prank


Kamakailan ng i-post ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel ang video niya na ang tittla ay "Street Prank".

Na kung saan ay hindi nagustuhan ng lahat, dahil naubusan na raw ba ang actress/vlogger na si Alex na kanyang i-co-content.

Kumento ng netizens:

"Hindi ko nagustuhan ang la­test vlog idea ni Alex Gonzaga. Nauubusan na ba siya ng gimik para ma-please ang kanyang mga subscriber?"

"Kung sino man ang nakaisip na manghol­dap prank sila ni Kuya Jobert ay dapat lang na sibakin, kastiguhin at i-unfriend."


"Hindi po kasi talaga dapat ginagawang biro ang isang krimen, gaya nga ng pangho-hold up. Marami na ang na-trauma, nasaktan at minsan ‘pag minamalas ay namamatay dahil dito."

"Wala bang nagpayo kay Alex sa mga posibleng kalabasan ng prank nila, na for sure ay marami ang nag-hit ng dislike button?"


"Ganito na lang ba ang ihahain ng makulit na si Alex sa kanyang mga subscriber na kamakailan ay pumalo na sa 6 million?"




Loading...

0 comments:

Post a Comment