Sunday, February 2, 2020

Willie sinabing pag siya ang naging asawa ni Kris Aquino, ayaw niya sa "marumi"


Kamakailan lang ng maging usap-usapan sa social media sina Kris Aquino at Willie Revillame na kung saan marami ang nagre-request at nagdarasal na sana’y matuloy na ang pagsasama sa isang proyekto nila ni Willie Revillame.


Tuwang-tuwa ang netizens nang mapanood ang video na ipinost ni Tetay sa IG na kuha nang bumisita siya sa studio ng Wowowin bago ganapin ang live episode ng programa para sa birthday ni Willie.

Caption ni Kris sa video:

 "Have to be up at 6:30 AM tomorrow because there’s one more thing I need to do early in the morning to permanently ‘leave yesterday behind.’ Ayokong ma-feel n’yo na “GGS” ako because of my previous post, thanks to kuya Erick for sending me this video listen to our conversation, hindi sinasadya pero parang pinaghalong sitcom na reality show kami ni Willie."

Hindi lang ang studio ng show ang napuntahan niya kundi pati ang dressing room ng TV host-comedian. Ani Willie, personal pa raw niyang ipina-renovate ang kanyang DR.

"I fixed this. Ako nag-fix nito. Noong una, hindi ‘to ganito. Noong binigay sa akin ‘to inayos namin ‘to. Nag-clean kami. Kinuha ko ‘yung mga kasmabahay ko sa bahay," lahad ng milyonaryong komedyante.

"Kapag ako ang naging asawa at boyfriend mo, hindi pupuwedeng madumi. Ayoko ng may buhok. Gusto ko ayos lahat," natatawang biro pa ng TV host.

Hirit naman ni Kris:

"Hindi rin kami madumi! Naka-rainbow vacuum kami at naka-Daiso, huwag mo kaming apihin, kaloka ka, inaapi mo kami, malinis kami!"




Loading...

0 comments:

Post a Comment