Saturday, February 29, 2020

Heart Evangelista nabatikos dahil sa relo niya na nagkakahalaga ng P6 Million,


Labis ang pagkagulat ng ilang netizens nang malaman nila kung magkano ang suot na relo ni Heart Evangelista sa dalawang mahalagang okasyon.

Viral sa social media ang sobrang expensive watch ng Kapuso actress mula raw sa Van Cleef & Arpels, isang French luxury accessory and perfume brand.


Sa Instagram account daw na may handle name na @heartevangelistacloset, nakalagay na ang diamond-studded Lady Arpels Pont des Amoureux Jour watch ni Heart ay nagkakahalaga ng tumataginting na P6 million.


Sabi nga ng ilang netizens na pwede ka nang bumili ng isang condo unit sa isang prime location sa Metro Manila sa nasabing halaga.

At dalawang beses daw itong isinuot ng asawa ni Chiz Escudero, una noong Jan. 12 at nitong nakaraang Feb. 12, base lang sa isang fan page account.


As usual, meron pa ring mga negative talaga magisip, na kahit sa sariling bulsa naman ni Heart at Chiz nanggaling ang pambili ay meron pa ring magre-react.

"Hndi worth it bilhin ang mga ganyang bagay kung idinonate mo na lang yan sa mahihirap mas pinagpala ka pa sana"

"Bakit kaya may mga taong ganyan di nanghihinayang sa pera luho kung luho"

"Grabeng presyo nmn yan parang masyado syang kampante sa buhay nya"

Loading...

0 comments:

Post a Comment