Saturday, February 15, 2020

Angel Locsin, agad rumesbak at 'di pinalampas ang basher na nagsabing "pa-victim" daw ang mga Kapamilya stars


Kamakailan ng hindi nga palampasin ni Angel Locsin ang mga netizens na nagsabing "pa-victim" daw ang mga Kapamilya stars at tinawag pang "emotional blackmail" ang pagtatanggol nila sa ABS-CBN.


Kaya't kung maraming sumang-ayon at bumilib daw sa tapang ni Angel at ng iba pang malalaking talents ng ABS-CBN sa pagpapakita nila ng suporta sa network, may mga nangnega at pumuna rin sa kanila.

Ayon daw kasi kay Angel, libo-libong empleyado ng network ang mawawalan ng trabaho kung hindi na ito mabibigyan ng bagong prangkisa para makapag-operate.

Nakiusap din siya sa lahat na maging maingat sa pagpo-post sa social media lalo na ang mga kumokontra sa istasyon.

 Sabi ni Angel:

 "Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon?"

"Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama."

"Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po,"

Ngunit kumento ng isang netizen na huwag daw gamitin ng mga celebrities ang kanilang powers o impluwensiya para bulagin ang publiko.

Kung dapat ipasara ang ABS-CBN alinsunod sa batas kailangan itong irespeto at kung wala naman pagkakamali i-renew ang prangkisa.





Loading...

0 comments:

Post a Comment