Saturday, January 18, 2020

Zsa Zsa Padilla, nadamay sa galit ng bashers kila Ai Ai at Luis Manzano


Kamakailan ng madamay daw si Zsa Zsa Padilla at ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa galit ng bashers nang kampihan nila si Luis Manzano sa isyu ng pagtulong sa Taal victims.

Unang nag-post ng mensahe si Ai Ai sa kanyang social media account para kampihan si Luis sa sinabi nitong hindi kailangang ibandera sa publiko ang ginagawang tulong sa kapwa.

"Bravo luis [clapping emojis]… isa sa pina ka generous at nakaktawa at mabait na tao sa industriya .. pinalaking tama ng idol kong si ate Vi."

"Minsan d kailngan ilagay sa social media ang mga itinutulong .. kung gusto pwedeng ilagay para mainspire ang mga ibang tao gayahin ang mga artista na tumutulong —-yung iba its bet GOD and sa sarili nya.."

"Pero kung hind man mag post wag isipin na hindi agad tumutulong mga nagiisip ng ganun mag reality check sa sarili …tanungin bago mag click AKO BA MAY NAITULONG?"

"Salamat luis and sa lahat ng artista at mga KABABAYAN naten na tumulong sa mga naapektuhan ng bulkan taal .. ako ba tumulong??? Secret [laughing emoji]."

Nagkumento naman si Zsa Zsa sa post ni Ai Ai ng, "Amen to that." Na sinagot ng isang netizen ng isang tanong.


Binara niya ang singer-actress kung ito ba ay nakatulong na sa Taal evacuees, sabay sabing, "Eh ang taray mo nga sa fans."

Hindi nga raw ito pinalampas ni Zsa Zsa at talagang tinalakan ang netizen.

"I guess you are not my fan kasi di mo ako kilala para mo ako masabihan ng ganyan." Aniya.

"And again, Di porke’t hindi nag post eh hindi tumulong. Di ko kailangan ng proof, dear. Read Matthew 6:1-4."

Ang tinutukoy na Bible verse ni Zsa Zsa ay ang tungkol sa pagtulong sa kapwa nang hindi na ipinangangalandakan pa.

"But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing, so that your giving may be in secret. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you,"

Loading...

0 comments:

Post a Comment