Wednesday, January 1, 2020

Nadine Lustre at James Reid, hiwalay na


Kanina lang ng i-post sa social media ang kuwentong nagkahiwalay na raw ang sikat na actor at actress na si James Reid at Nadine Lustre.

Marami ang nagulat sa kuwentong ito at nanghinayang dahil talaga namang successful ang career ng dalawang ito sa showbiz.


Hindi nga rin daw ito ikatutuwa ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang balitang hiwalay na ang real-life lovers dahil sa "irreconcilable differences."

Ang breakup nina James at Nadine ang unang malungkot na balita nga raw sa pagpasok ng taong 2020.

Na tiyak nga raw na hindi ito basta matatanggap ng JaDine fans, na umasa at naniwalang may forever at ang kanilang mga iniidolong artista ang magkakatuluyan.

Ni wala nga rin daw idea ang mga kaibigan nina James at Nadine ang naganap na hiwalayan nila, na hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko.

Ayon sa isang malapit na tao kina James at Nadine, nag-alsa balutan at umalis na si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City, na naging saksi sa kanilang pagmamahalan.



Loading...

0 comments:

Post a Comment