Friday, January 3, 2020

Billy Crawford, pinatulan ang nanglait kay Coleen: "Marunong ka pa sa panginoon?!"


Kamakailan ng patulan ni Billy Crawford ang isang basher matapos laitin at sabihan ang asawang si Coleen Garcia na mukhang hindi raw masaya sa kanilang pagsasama.

Isang netizen ang nag-comment sa Instagram post ni Billy kung saan makikita silang mag-asawa sa litrato kasama ang mga kaibigang sina Kris Lawrence, Jay-R at ang fianceé nitong si Mica Javier.

"You definitely know you’re getting old where there’s no booze but great family discussions."

“Lol Blessed to have the SoulBrothers in my life! Merry Christmas, love you all to death!” ang caption ni Billy sa kanilang IG photo.

Sa comments section, nagkomento si @eden.aragon tungkol sa itsura ni Coleen, “Hindi naba HAPPY si Coleen as Mrs.Crawford?

"Yan kasi ang bata pa nagpakasal talagang hahanapin ang dating nakasanayan…"
"Nawala na yung Masayahing Mukha at Awra ni Coleen na dati ay puno ng Kasiyahan Kaligayahan Lang at GV ang Mukha ni Coleen."

Sinagot ni Billy ang kumento ng basher sa kanyang misis, aniya, "(Laughing emoji) mas marunong ka pa sa panginoon ah."

"Ever heard anyone say don’t stick your nose into someone else’s business?"
"You don’t live with us so you definitely wouldn’t know. Tis’ the season to be jolly fa la la la la la la la la…"
"Plus I think my wife is absolutely gorgeous and sexy (thumbs-up emoji)."



Loading...

0 comments:

Post a Comment