Saturday, December 14, 2019

Vice Ganda, napikon sa isang blogger na nagtanong kung kailangan pa raw ba ang comedy sa pasko




Kamakailan lang daw ng mahalatang napikon si Vice Ganda sa isang tanong ng blogger nung presscon ng "The Mall, The Merrier" kung sa palagay raw ba nito, kailangan ng comedy film sa filmfest.

Tumitig muna si Vice sa nagtanong at saka niya ibinalik ang tanong na, "sa tingin mo, kailangan ba ng comedy sa Pasko?" Na sinagot naman ng nagtanong na, "opo."

Bali ang ibig sabihin ay nasagot na raw ang tanong nito. At sabi nga ni Vice, hindi lang ngayong MMFF o ngayong Kapaskuhan kailangan ng comedy kundi araw-araw.


Kasama rin sa "The Mall, The Merrier" ang boyfriend ni Vice na si Ion Perez. Inamin ng dalawa na 13 months na ang relasyon nila at sa Pasko ang susunod nilang monthsary.




Loading...

0 comments:

Post a Comment