Tuesday, December 3, 2019

Pres. Duterte, nagbabala sa pinakilalang lalake ng bunso niyang si Kitty




Kamakailan lang sa isang event na dinaluhan ng Pangulo kamakailan, naging laman ng kanyang talumpati ang tungkol sa dinalang lalaki ng kanyang anak na si Kitty.

"Ang Veronica ko nagdala ng lalaki. Gusto daw akong makilala. Sabi ko walang problema,” sabi ni Duterte

Dahil kamakailan lang ng maging usap-usapan si Kitty sa social media na kasama ang isang binata na kapwa high school student niya.

Nang makipag-usap umano ang Pangulo sa binata sinabihan niya ito ng:

"Yang anak ko kaisa-isahan sa aking asawa na si Honeylet. Mahal namin ‘yan. Gusto mo kong makilala, kilala na kita ngayon at least madali kitang hanapin. Sabi ko, just be descent. Bata pa ‘yan. Sabi ko, no physical. 'Wag mong hawakan maski ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan 'yan."

Si Veronica o Kitty ay 14-anyos na nag-iisang anak ng Presidente sa partner niyang si Honeylet Avanceña.







Loading...

0 comments:

Post a Comment