Thursday, December 5, 2019

Pagbati ni Mark Bautista kay Carlos Yulo sa SEA Games nilagyan ng malisya




Kamakailan langng lagyan ng malisya ng ilang netizens ang palitan ng mensahe ng Kapuso singer-TV host na si Mark Bautista at Southeast Asian Games 2019 gold medalist gymnast na si Carlos Yulo.

Agad namang pinagtanggol ni Carlos si Mark sa mga nagsasabing nakikipag-flirt umano sa kanya ang singer matapos itong magpadala ng "direct message" kasabay ng pag-follow sa kanya nito sa Instagram.


Sabi ni Mark sa sikat na sikat na ngayong atleta dahil sa kanyang tagumpay sa 2019 SEAG, "Congrats, man!!amazing!" Na sinagot naman ni Carlos ng, "Okay I’m shocked (shocked face with exploding head) He messaged me and he followed me aswell wtf?! (shocked face with exploding head, hot face emojis)." Ipinost din ni Carlos sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng message sa kanya ni Mark bilang pasasalamat.

Bago rawito nag-post na si Mark sa kanyang IG Story ng screenshot ng isang news report tungkol sa ikalawang Gold Medal ni Carlos sa SEAG kasama pa ang video habang nag-a-acrobatics si Carlos.

Caption ni Mark, "Flex ko lang to (literal) bilang daming Natanggap na Gold and Philippine Athletes natin. Congratulations to all our Pinoy athletes di biro ang pinagdaanan nyo. Mabuhay kayo!" At dahil daw dito, nilagyan ng malisya ng ilang netizens ang pagpaparamdam ni Mark sa Pinoy gymnast, feeling nila crush ng singer ang binata. Kung matatandaan, umamin na si Mark na isa siyang bisexual.

Mabilis ding nag-trending ang "Mark Bautista" sa social media. Kaya naman naalarma na si Carlos at nag-tweet muli para sabihing "out of excitement" lang kaya niya naipost ang DM sa kanya ng singer, "It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement.




Loading...

0 comments:

Post a Comment