Friday, December 27, 2019

Lolit Solis, G na G sa tweet ni Janine Gutierrez na "Oh, God" palibhasa raw ay patungkol sa alagang si Bong Revilla


Kamakailan na ang simpleng "Oh, God!"post ni Janine Gutierrez sa kanyang Twitter account ay napansin nanaman ni Lolit Solis palibhasa raw ay patungkol 'yon sa kanyang alagang si Sen. Bong Revilla.

Naglabas ng mahabang rant si Lolit Solis patungkol sa Janine at sa estado nito sa showbiz at bilang Kapuso artist.

Ngunit si Janine ay 'di na pinatulan si Lolit. bagkus nagpasalamat pa siya sa magagandang nangyayari sa kanyang career.

Bilib nga raw ang netizens sa pagiging marespeto ni Janine sa pamamagitan ng 'di na pagsasalita o pagsagot ka Lolit.


Mas magandang wag na lang daw kase pansinin si Lolit at kahit alam naman daw niya na marami siyang kakampi, parehong tahimik at bukas daw sa Showbiz.




View this post on Instagram

Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya Salve. The nerve na mag-negative comment siya sa TV comeback ni Bong Revilla. How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won't be where she is today. Alam naman niya siguro ang history ng nanay niyang si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, pinalaki at inalagaan siya, at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz. Dapat sa mga pagkakataon gusto niya magbigay opinyon, nandun ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan ng lolo niyang si Christopher de Leon si Bong Revilla. I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip niya more than anyone else, siya dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay chance sa isang tao na gusto bumalik sa pinanggalingan niyang mundo. Buti na lang isa lang talent ng GMA si Janine Gutierrez, just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong Revilla. Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto magkarun ng trabaho. Buti na lang at hindi siya naging box office queen na sana makatulong para sa career ni Bong, dahil wala pa naman ako narinig na naging blockbuster movie niya, or tv show na naging sobra ang taas ng rating, kaya hindi din siya makakatulong sa career ni Bong Revilla. A piece of advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kundi sa kanila hindi ka naging Janine Gutierrez. Sayang, love pa naman kita, now takot na ako dahil baka maging judgemental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag rate mga ginagawa mong project. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako
A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Loading...

0 comments:

Post a Comment