Wednesday, December 18, 2019

Ivana Alawi, gustong ipa-Tulfo ng mga fans niya


Kamakailan pinatulan na ni Ivana Alawi ang mga bashers, fan niya sa social media, lalo na sa YouTube. Sa Youtube post nga ng PPL (talent management na humahawak sa career ni Ivana), binasa nga niya ang lahat ng mga mensahe ng mga fan sa kanya.

"Binabasa ko ang mga memes niyo sa akin, mga comments niyo sa akin. Ang iba, lagi akong sinisisi, kasi nila-like raw ng mga boyfriend nila ang photos ko, tapos sa kanila hindi."

"Nakakaloka nga, na ang iba ay gusto akong isumbong kay Raffy Tulfo, dahil sa mas palagi raw chini-check ng mister nila ang photo ko, kesa mga photo nila."

"Feeling ko, gusto talaga niya akong ipa-Tulfo. Idol ko si Tulfo."

"Willing akong magpunta roon. Pero, dapat ang mister mo ang sisihin mo, kasi siya ang may kasalanan, hindi ako. At dapat kasi, ka­yong mga mister, una niyong i-like ang picture ng misis niyo, bago ang picture ko," bungad na sabi ni Ivana.

Kaaliw rin ang mensahe sa kanya ng isang sikat na personalidad sa socmed, si Senyora Santibañez.

Ito naman ang sabi ni Sen­yora Santibañez:

"Dami mong sinasabi, Ivana, basta pag ako ang nag-bikini mag-goodbye ka na sa career mo.’ Grabe siya, ha! Sobrang nakakatakot ka naman. Nakakakilabot ka Senora."


"Pero puwede naman kitang padalhan ng swimsuit, para twinning tayo. Hahahaha!" sagot ni Ivana kay Senyora Santibañez.


Loading...

0 comments:

Post a Comment