Thursday, December 26, 2019

Catriona Gray, diretsahang sinagot ang tungkol sa panliligaw daw ni Alden at Sam Milby sa kay Cat


Kamakailan lang ng magsalita na si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa balitang nililigawan siya nina Alden Richards at Sam Milby.

Ayon kay Catriona, nagsimula ang usapan na pinopormahan siya ng Asia’s Multimedia Star nang mag-post ang kanyang supporters ng mga litrato at mensahe tungkol sa kanila. Pero nilinaw niya na never pa silang nag-meet ng Kapuso actor.

"I feel like the fans are really shipping (us), which I think is a thing that fans do. I've never met Alden before,” ang diretsong sabi niya sa panayam ng Tonight With Boy Abunda. Ibig sabihin, netizens lang ang nagpakalat ng balita na nagkakamabutihan na sila ni Alden."

At kung tungkol naman daw kay Sam Milby, magkaibigan sila ng nito. Iisa lang ang simbahan na pinupuntahan nila at pareho rin sila ng management company. Hindi rin daw siya nililigawan ng hunk actor.

"Sam naman, we go to the same church, we're under the same management, so friend naman siya," sabi ni Cat.

 Ang huling nakarelasyon ng dalaga ay ang hunk model-actor din na si Clint Bondad.



Loading...

0 comments:

Post a Comment