Wednesday, December 4, 2019

Alex Gonzaga, niresbakan ang poser niya na sobrang panloloko ang ginagawa sa mga fans niya




Kamakailan lang ng supalpalin ni Alex Gonzaga ang isang poser na gumagamit sa kanyang pangalan para makapanloko ng tao.

Hindi na nakatiis ang Kapamilya TV host-actress-vlogger kaya naglabas na siya ng kanyang saloobin at hinggil dito para hindi na makapambiktima ang nasabing pekeng Alex Gonzaga.

Kahapon lang ng ni-retweet ng kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga ang post ng isang Twitter user na may handle name na @alexgonzaga.

Mensahe ni Alex laban sa poser: 

"FAKE! Kung poser at fake account ito malamang di rin totoo ang pagive-away nito. And lastly FYI OPPO dapat pinamigay mo tangek!"

Ayon pa sa kay Alex, talagang plano ng kanyang poser ang manloko sa social media dahil may binanggit pa itong mensahe tungkol sa pagbibigay ng giveaways.

Sa ngayon ay deactivated na ang account ng poser kaya deleted na rin ang tweet nito. Pero may isang follower si Alex na nakapag-screenshot ng Twitter bio ng poser at makikita nga rito ang mga litrato ni Alex sa kanyang pangalan, profile photo at wallpaper.

Ito naman ang sagot ni Alex sa hater:

"For the longest time hinahayaan ko yung Alex Gonzaga account sa FB kahit dami nagsasabi pareport ko. Ang dami kahit kaibigan ko akala ako yun pero hinayaan ko na lang but ang na gclaim ng copyright at magpa giveaway kuno para sa followers sobra ng panloloko kaya wag ako."




Loading...

0 comments:

Post a Comment