Friday, December 13, 2019

Actual video ng mga konsehal na pinagtulungan "jombagin" ang isang matanda


Kanina lang ng may mag-post sa social media ng video, na kung saan makikitang pinagtutulungan saktan ng mraming lalaki ang isang matanda.

Agad nga itong nag-viral sa social media dahil sa labis na awa ng netizens sa matanda matapos mapanood ito.

Napagalamang mga konsehal daw pala ang mga taong makikita sa video na nambubugbog ng matanda.

Kuwento nung nag-post:

Kawawa yung senior citizen pinag tulungan ng mga konsehal ng barangay Rajal Centro Santa Rosa Nueva Ecija, naturingan pa naman mga konsehal ng barangay, sinasabi nyo binastos pamangkin nyo, mukang di naman kayang gawin ng matanda yun, or kung nagawa man yun dapat hindi nyo na binugbog at pinag tulungan, sana pinadampot nyo na sa pulis oh sa mga barangay tanod at dinala sa barangay hall, kalalaki ng mga katawan nyo pinag tulungan nyo yung matanda,
Tulungan nyo po ako ishare tong video para maparating sa kay sir tulfo, huli ko na po nakuhaan ng video kasi napadaan lang po kami sa lugar na yun, pero kitang kita po ng lahat ng nandun kung pano nila bugbugin yung matanda pati pghatak nila sa matanda, tuluyan bumagsak ito sa sinasakyang jeep


Loading...

0 comments:

Post a Comment