Thursday, May 9, 2019

Service Crew ng Jollibee, pinahanga ang netizens dahil sa ka-busilakan ng puso


Kahapon lang ng i-post sa social media ang mga larawang ito, na kung saan makikita natin na sinusubuan ng isang crew ang matanda.

Base sa nag-post ng pictures, pauwi na raw sana yung crew ngunit may nakita siyang matanda na may kapansanan,

Gutom na gutom daw ang matanda, ngunit kulang daw ang pera, kaya naman inabonohan na lang ng crew upang makabili at makakain na ang matanda.

Hirap daw ang matanda sa pag subo sa kanyang pagkain kaya tinulungan na din makakain ni kuyang Service Crew.

Kaya naman agad itong nag-viral at bumuhos ang papuri para sa crew na nag-asikaso sa matanda, dahil 'di naman daw lahat ng tao ay gaya niya.

Saludo kami sa'yo kuya dahil sa ginintuang puso mo. God bless you!



Loading...

0 comments:

Post a Comment