Friday, May 10, 2019

Larawan ng lola na nagbibilang ng pera pambili ng de lata, nag-viral


Viral ngayon ang larawan ng binahagi ng netizen kung saan hirap nang mag-budget ang isang lola sa kanilang pagkain.

Inabutan daw ng netizen na si Earl John Madarico bilang tulong. Nadurog ang puso ng mga netizens na nakakita sa larawan at ito lamang daw ang isang ebidensya ng epekto ng inflation sa bansa.

Makikita sa larawan na nilabas ng lola ang kanyang dalang pera at tinitingnan kung magkakasya ba ito sa balak niyang bilhing ilang pirasong de lata.

Nang magtanong ang matanda sa isang salesman kung kakasya ba ang pera niya upang ipambayad sa mga bibilhing de lata, doon na naglakas loob sumingit ang kumuha ng larawan na si Earl John Madarico at nagbigay ng kaunting halaga sa matanda upang masiguro lamang daw na makauwi ang matanda.

Ayaw pa raw sanang kunin ng matanda ngunit dala siguro ng pangamba na kulangin nga ang pera,

tinanggap na rin ni lola at nagpasalamat ito. Ayon pa sa nagpost, ito raw ang isang ebidensya ng epekto ng inflation sa mamamayang Pilipino kung saan labis na naghihirap ang talagang naghihirap na.
Ang masaklap pa nito, mas apektado rin daw ang mga matandang wala nang nag-aalaga.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang post. May ilang nagsasabi na huwag naman daw sisihin ang inflation sa matinding paghihirap ng Pilipino habang ang iba ay nahahabag sa sitwasyon ni lola.

Loading...

0 comments:

Post a Comment