Wednesday, May 8, 2019

Lalake, hiniwalayan ng kanyang jowa nag-iiyak sa 7/11


Viral ngayon ang video na kumakalat sa social media na kung saan, isang lalaki ang makikitang umiiyak na parang bata sa loob ng convenience store na 7/11. Inilabas niya ang kanyang mga hinaing sa kanyang kasintahang ng iwan sa kanya sa ere.

Sa isang video na ibinahagi ng Ang Bisayang Taga Mindanao sa Facebook, isang lalaki ang naglabas ng kanyang mga sama ng loob kasama ang mga kaibigang dumamay sa kanya sa oras ng kanyang pangangailangan.

Makikitang iyak ng iyak ang lalaki habang inaamo siya ng mga kasama niyang babae. Ang dahilan ng kanyang pag-iyak ay ang pag-ibig.

Bagama’t ang pag-uusap ay sa salitang Bisaya, sinasabi ni kuya na sobrang sakit ng ginawa sa kanya ng kasintahan sapagkat iniwan daw siya nito sa ere.

Sobrang mahal daw niya ito at hindi niya kayang mawala ito sa kanyang piling. Ito ang dahilan kung bakit siya naglasing sa loob ng convenience store kasama ng kanyang mga kaibigan.

Dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan kung kaya’t naging sobrang emosyonal ni kuya. Walang tigil ang kanyang pag-iyak, at may mga pagkakataong pang siya ay humahagulgol.

Mabuti at naroon ang kanyang mga kaibigan na handang dumamay sa kanya sa oras ng kalungkutan. Maswerte pa rin si kuya sa kaibigan, maski medyo minalas siya sa pag-ibig.


Loading...

0 comments:

Post a Comment