Wednesday, May 1, 2019

Korina rumesbak sa nagsabing matanda’ na siya para magka-baby


Kung maraming natuwa sa pagkakaroon ng kambal na anak ni Korina Sanchez may mga nangnega rin sa kanila ng asawang si Mar Roxas.

Bakit daw kung kailan pa siya tumanda ay saka pa siya nag-anak, sigurado raw na apektado ang pagpapalaki niya sa mga bata sa pagiging first time mom niya sa kanyang edad ngayon. Ibig sabihin, limited na ang kanyang energy and physical ability para mag-alaga ng twins.

Pero ayon kay Korina, hindi issue ang age ng isang nanay para magampanan nito ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang anak.

“To say that it is a handicap that I’m in my 50s—and if this age is a handicap, parang tinitignan mo yung baso ng half-empty instead of half full. I think what is important is the quality of time we give them,” paglilinaw ng broadcast journalist.

Sinabi ni Korina na pinaghandaan niya ang pagdating nina Pepe at Pilar.
“Kaya alam mo bago ito, todo pa-check up ako. Even long before that talagang yung fitness and yung health ko chineck ko lahat yan, ibig kong sabihin, handa ako,” chika pa ni Korina sa panayam ng
Magandang Buhay. Aniya pa, gusto niyang mabuhay kasama si Mar nang hanggang 100 years old para sa kanilang twins.

Sinabi rin ni Korina na tanggap na ng maraming Pinoy ang paraan ng “surrogacy” o ang legal na paraan ng pagbubuntis ng isang babae para sa magiging anak ng iba.

“Time has changed people’s minds about this (surrogacy). In fact, nu’ng mga panahon na ‘yon, ang sabi ng mga kaibigan ko, ‘Korina, ang bata ay bata, kapag lumabas na ang sanggol, sino pa ang mangnenega diyan.

“Ang punu’t dulo niyan ay ang pagmamahal. So who can go against love and life?” ani Korina na inaming wala sa kanyang mga followers sa Instagram ang nagtanong o nagbigay ng negatibong komento tungkol sa surrogacy.

“I think informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila, tanggap na nila ‘yung ganyang klase,” sabi pa ng award-winning TV host.




Loading...

0 comments:

Post a Comment