Hinangaan ang bagong kasal dahil sa pagiging praktikal at bagaman simple ang handa ay tiyak namang nabusog ang kanilang mga bisita.
Umabot na sa 36,000 reactions ang naturang post sa tuwa ng mga netizens sa konsepto na ito ng bagong kasal.
Kinagiliwan ng mga netizens sa viral na wedding reception na puro pagkaing Pinoy ang handa.
Tunay nga namang nakakamangha ang kakaibang konsepto ng reception ng bagong kasal na sina Kikay at Dame sa Sta. Catalina, Negros Oriental.
Binahagi ng netizen na si Mary Jane Cabildo ang simple, praktikal ngunit tiyak na nakakabusog na mga pagkain sa wedding reception na ito. Mayroong suman, kakainin, prutas, iba't ibang putaheng Pilipino ang masayang pinagsaluhan ng mga bisita.
Lahat ng pagkaing kanilang hinain ay puro pagkaing Pinoy kaya enjoy ang mga bisita dahil sa patok ito sa kanilang panlasa. Ang nakatutuwa pa sa handaang ito, eco-friendly din ito dahil gumamit sila ng dahon at saha ng saging para naging plato at pati baso at straw ay mula naman sa kawayan.
Narito ang video ng kanilang reception:
Ayon sa ABS-CBN news, maging ang mga regalo na hiniling ng bagong kasal ay mka-Pilipino rin.
Kaya naman ilan sa kanilang mga regalong natanggap ay mga seedlings, pantanim na niyog, prutas, gulay at mayroon ding kape.
ukod sa bagong kasal, hinangaan din ang nag-ayos at nag-organisa ng reception dahil sa maayos na napalabas ang maka-Pilipinong konsepto na ito. xLGMGOIo_c#90769
Loading...
0 comments:
Post a Comment