Tuesday, May 7, 2019

Babae, umiiyak ng dumulog sa Raffy Tulfo in Action, dahil ang kapatid at mister niya raw ay magkarelasyon!


Umiiyak na dumulog si Irish San Gabriel kay Idol Raffy sa sama ng loob dahil ang sarili niyang kapatid na si Janella Gutierrez, 18 years old ay nakipag-relasyon sa kanyang mister na si Michael San Gabriel, 28 years old. 

Hindi na raw naiisip ng mga ito ang 3 nilang anak at pinagbubuntis niya.
Ayon kay Janella, nahulog daw ang loob niya sa mister ng kanyang Ate Irish dahil nadala siya sa mga pangako, mabulaklak na mga salita at pagbibigay ni Michael sa kanya ng mga chocolates, mga gamit at pag-date paminsan-minsan.

Ilang beses na raw nilang pinag-usapang pamilya ang relasyon ni Michael at Janella ngunit tuloy-tuloy pa rin daw ang dalawa. Hanggang noong May 4 ay hindi na umuwi ang mister niya.

Kaya kung may impormasyon kayo tungkol sa kinarooonan ni Michael San Gabriel, mangyari lang na ipagbigay alam ito sa amin dito sa Raffy Tulfo in Action FB page o 'di kaya'y personal na magtungo sa tanggapan dito sa TV5 Media Center, Reliance cor. Sheridan St., Mandaluyong.


Loading...

0 comments:

Post a Comment