Tuesday, May 14, 2019

Mga Vote Counting Machine at balota na sinunog sa Jones, isabela, Nakuhanan ng netizen!

Photos from: DWKD 98.5 Cauayan
Kahapon lang ng i-post sa social media ang mga larawang ito, na kung saan makikitang may mga tila mga box na isinakay sa truck.

Photo from: DWKD 98.5 Cauayan
Base sa nag-post nito sa Facebook page na WKD 98.5 Cauayan, naglalaman daw ito ng mga balota na tila sinunog sa bundok.

Na talaga namang nagpa-init sa ulo ng netizens, dahil grabe raw ang pang-daraya ng ibang politiko na lumaban.

Photo from: DWKD 98.5 Cauayan
Base sa nag-post, ito raw ay mga larawan kaugnay sa sinunog na VOTE COUNTING MACHINE at BALOTA sa Jones, Isabela pasado alas sais ng umaga, Mayo 14, 2019.

Base rin sa mga kumento ng netizens, mukhang pinlano raw talaga ang pangyayaring ito dahil talaga namang halos alam nila ang gagawin upang makapang-daya.

Photo from: DWKD 98.5 Cauayan
Kaya't hiling ng netizens, Kung ganito din lang ang nangyayari, huwag na lang sila magpaboto tutal dati pa naman daw luto.

Sayang lang daw ang sakripisyo ng mga botante sa pagpila, kahit daw sobrang init nag-eeffort makaboto lang, pero ganito lang naman daw ang ginagawa nila.

Photo from: DWKD 98.5 Cauayan

Narito naman ang ilan sa kumento ng netizens!

"Ang titigas ng mukha . sayang2 lang ang pagboto ng mga tao , sayang ang pag uwi sa mga probinsyan makapunta at makaboto lang , sayang ang paggising ng maaga , sayang ang pagtyaga sa mahabang pila tapos sobrang init pa , yung iba nalilipasan na ng gutom makaboto lang tapos ganyan lang gagawin niyo ? aba ! kung ganyan lang din naman mas mabuti pang wala na kayong makuhang boto mula sa mamamayan sinusunog niyo lang."

"Parang naplano kc walang convoy na police or military,, or alam nmn nila bulubundok bakit d cla gumamit ng helicopter para mas safe,, kung susumain mu pangyayari mukhang naplano kc bkit pinauna nila ung mga police 👮‍♀️ buhay talaga sa jones wala ng matin"

"Kung ganyan din lang , wag na sila magpaboto tutal dati naman ng luto. Sayang lang sakripisyo mga botante sa pagpila, kahit sobrang init makaboto lang. !!!😡😡"

"Sa bayan ng Jones trademark na nila ang patayan dayaan tuwing election... ayaw nila ng tamang pagbabago"

"Kaya walang progress ang jones kc ganyan ang kalakaran nila tuwing eleksyon kalsada nga dekada na ganun p rin walang pinagbago"

Monday, May 13, 2019

Vico Sotto leads Mayoralty race in Pasig City based on partial and unofficial results


Vico Sotto is reportedly leading the Mayoralty race in Pasig City against Mayor Robert "Bobby" C. Eusebio.

It is based on the partial and unofficial count of votes as of 9:00 pm. Some netizens reacted to the unofficial result.

Vico Sotto has been getting a higher number of votes in Mayoralty race in Pasig City, against Mayor Robert "Bobby" C. Eusebio.

As of 9:00 pm, Vico already garnered 63,658 votes while his opponent already got 34,127 votes.


This result has atrracted various reactions from netizens. Some of them have expressed their happiness for Vico and they have been claiming that it is the big change that they have been wanting for Pasig City.

Vico Sotto is the son of Vic Sotto with his fellow celebrity, Coney Reyes.

Friday, May 10, 2019

Throwback video ni Chokoleit ng siya ay salubungin ng kanyang mga aso noong siya ay nabubuhay pa


Silipin ang nakakantig puso na pagsalubong ng mga alagang aso ni Chokoleit sa kanya noong siya ay nabubuhay pa.

Years ago na ng i-post ni Chokoleit Garcia ang bidyong ito sa kanyang social media account, na tila makikita natin ang pagsalubong ng kanyang mga alaga sa kanya.

Ang mga aso raw ni Chokoleit ang isa sa nagpapagaan ng pakiramdam niya kapag siya ay pagod galing sa trabaho.

Ngunit nakakalungkot isipin na pumanaw na nga si Chokoleit kaya't napaisip ang netizens kung sino na nga raw kaya ang mag-aalaga sa mga ito.

Napag alaman na ang isang aso raw pala ay napunta sa isa sa matalik na kaibigan ni Chokoleit na si K Brosas, kaya naman sigurado raw na masaya si Chokoleit dahil inampon ang kanyang alaga ni K Brosas.

Larawan ng lola na nagbibilang ng pera pambili ng de lata, nag-viral


Viral ngayon ang larawan ng binahagi ng netizen kung saan hirap nang mag-budget ang isang lola sa kanilang pagkain.

Inabutan daw ng netizen na si Earl John Madarico bilang tulong. Nadurog ang puso ng mga netizens na nakakita sa larawan at ito lamang daw ang isang ebidensya ng epekto ng inflation sa bansa.

Makikita sa larawan na nilabas ng lola ang kanyang dalang pera at tinitingnan kung magkakasya ba ito sa balak niyang bilhing ilang pirasong de lata.

Nang magtanong ang matanda sa isang salesman kung kakasya ba ang pera niya upang ipambayad sa mga bibilhing de lata, doon na naglakas loob sumingit ang kumuha ng larawan na si Earl John Madarico at nagbigay ng kaunting halaga sa matanda upang masiguro lamang daw na makauwi ang matanda.

Ayaw pa raw sanang kunin ng matanda ngunit dala siguro ng pangamba na kulangin nga ang pera,

tinanggap na rin ni lola at nagpasalamat ito. Ayon pa sa nagpost, ito raw ang isang ebidensya ng epekto ng inflation sa mamamayang Pilipino kung saan labis na naghihirap ang talagang naghihirap na.
Ang masaklap pa nito, mas apektado rin daw ang mga matandang wala nang nag-aalaga.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang post. May ilang nagsasabi na huwag naman daw sisihin ang inflation sa matinding paghihirap ng Pilipino habang ang iba ay nahahabag sa sitwasyon ni lola.

Thursday, May 9, 2019

Barbie Imperial, na-prank ng kanyang mga kaibigan


Kamakailan lang ng i-post sa social media ang bidyong ito kung saan, makikita na na prank si Barbie Imperial ng kanyang mga kasama.

Ang tricks kasi ng magic ay, kunwaring ipinapasok ang barya sa kanyang noo at biglang mawawala ang barya.

Ngunit ang totoo ay, meron lamang tao sa likuran ni Barbie upang abutin yung barya upang mawala ang barya at mas maging makatotohanan.

Makikita sa bidyo ang reaction ni Barbie na tila paniwalang-paniwala siya sa kanyang mga kasama, kaya naman apura ang pag-check niya sa kanyang noo.

Napapa-isip ang actress na si Barbie kung paano nagagawa ng kanyang mga kasama ang bagay na yun, dahil talaga namang na prank siya. 

Service Crew ng Jollibee, pinahanga ang netizens dahil sa ka-busilakan ng puso


Kahapon lang ng i-post sa social media ang mga larawang ito, na kung saan makikita natin na sinusubuan ng isang crew ang matanda.

Base sa nag-post ng pictures, pauwi na raw sana yung crew ngunit may nakita siyang matanda na may kapansanan,

Gutom na gutom daw ang matanda, ngunit kulang daw ang pera, kaya naman inabonohan na lang ng crew upang makabili at makakain na ang matanda.

Hirap daw ang matanda sa pag subo sa kanyang pagkain kaya tinulungan na din makakain ni kuyang Service Crew.

Kaya naman agad itong nag-viral at bumuhos ang papuri para sa crew na nag-asikaso sa matanda, dahil 'di naman daw lahat ng tao ay gaya niya.

Saludo kami sa'yo kuya dahil sa ginintuang puso mo. God bless you!


Bagong kasal, mas piniling puro pagkaing Pinoy ang handa, hinangaan ng netizens


Hinangaan ang bagong kasal dahil sa pagiging praktikal at bagaman simple ang handa ay tiyak namang nabusog ang kanilang mga bisita.

Umabot na sa 36,000 reactions ang naturang post sa tuwa ng mga netizens sa konsepto na ito ng bagong kasal.

Kinagiliwan ng mga netizens sa viral na wedding reception na puro pagkaing Pinoy ang handa.

Tunay nga namang nakakamangha ang kakaibang konsepto ng reception ng bagong kasal na sina Kikay at Dame sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Binahagi ng netizen na si Mary Jane Cabildo ang simple, praktikal ngunit tiyak na nakakabusog na mga pagkain sa wedding reception na ito. Mayroong suman, kakainin, prutas, iba't ibang putaheng Pilipino ang masayang pinagsaluhan ng mga bisita.

Lahat ng pagkaing kanilang hinain ay puro pagkaing Pinoy kaya enjoy ang mga bisita dahil sa patok ito sa kanilang panlasa. Ang nakatutuwa pa sa handaang ito, eco-friendly din ito dahil gumamit sila ng dahon at saha ng saging para naging plato at pati baso at straw ay mula naman sa kawayan.

Narito ang video ng kanilang reception:


Ayon sa ABS-CBN news, maging ang mga regalo na hiniling ng bagong kasal ay mka-Pilipino rin.

Kaya naman ilan sa kanilang mga regalong natanggap ay mga seedlings, pantanim na niyog, prutas, gulay at mayroon ding kape.

ukod sa bagong kasal, hinangaan din ang nag-ayos at nag-organisa ng reception dahil sa maayos na napalabas ang maka-Pilipinong konsepto na ito. xLGMGOIo_c#90769

Wednesday, May 8, 2019

Viral ngayon si kuya na nagbibigay ng flyers, dahil pati ang mag-jowang nag-aaway 'di pinalampas


Kamakailan lang ng i-post sa social media ang bidyong ito, na tila nagkaka-tampuhan ang mag-jowang na sa harap ng gate.

Ngunit may biglang dumaan na tila nagbibigay ng flyers, ang talaga namang nakakatuwa sa nangyari ay, wala raw pinipili si kuya.

Dahil kahit ang magkasintahang nag-aaway ay 'di pinalampas, kaya naman agad itong nag-viral dahil sa nakakatuwang ginawa ng lalaki.

Kaya naman biro ng nag-post nito ay, para raw sa mga nangangandidato jan ay nirerekomenda niya ang lalaking ito dahil sulit ang ibabayad.

Silipin ang orihinal na post!

Pumanaw na ang "Lolo ni Karen" sa 90's Mc Donald commericial


Pumanaw na si 'lolo' sa sikat na 90's Mc Donald's ad

Kinumpirma mismo ito ni Karen Delos Reyes sa kanyang instagram post, maging ang mga 'batang 90's' na kilalang kilala si lolo Rudy Francisco ay nalulungkot din sa pagpanaw nito.

Mismong si Karen delos Reyes ang nagkumpirma na pumanaw niya ang kanyang "lolo' sa sikat na TV ad ng Mc Donald's commercial.

Sa kanyang instagram post, binahagi muli ni Karen ang popular na commercial nila ni Lolo Rudy Francisco. Maalalang emosyonal ang ad na iyong kung saan di na mamukhaan ng lolo ang po na kasama niya.

Inakala niyang ang apong si "Gina" ang kanyang kasama sa Mc Do. Makikita pa sa mukha ni Karen na tila nagtampo siya ng bahagya dahil di na siya kilala ng lolo.

Hanggang sa hinati ng lolo ang burger na kanya dapat kakainin at sinabing para raw sa paborito niyang apong si "Karen".

Mabilis na tumatak ito sa mga puso ng Pinoy noong 90's dahil sa nakakaantig nitong konsepto kaya naman ngayong pumanaw na si lolo Rudy ay nakaramdam din sila ng kalungkutan.

May caption na "Sad day today, Rest in Peace Lolo Rudy Francisco.My deepest condolences to you and your family" ang post ni Karen. Samantala, marami ang mga nagbahagi na di raw talaga nila malilimutan ang ad na ito na umantig sa puso nating mga Pinoy.

Narito ang TV ad na binahagi rin mismo ni Karen. 

Lalake, hiniwalayan ng kanyang jowa nag-iiyak sa 7/11


Viral ngayon ang video na kumakalat sa social media na kung saan, isang lalaki ang makikitang umiiyak na parang bata sa loob ng convenience store na 7/11. Inilabas niya ang kanyang mga hinaing sa kanyang kasintahang ng iwan sa kanya sa ere.

Sa isang video na ibinahagi ng Ang Bisayang Taga Mindanao sa Facebook, isang lalaki ang naglabas ng kanyang mga sama ng loob kasama ang mga kaibigang dumamay sa kanya sa oras ng kanyang pangangailangan.

Makikitang iyak ng iyak ang lalaki habang inaamo siya ng mga kasama niyang babae. Ang dahilan ng kanyang pag-iyak ay ang pag-ibig.

Bagama’t ang pag-uusap ay sa salitang Bisaya, sinasabi ni kuya na sobrang sakit ng ginawa sa kanya ng kasintahan sapagkat iniwan daw siya nito sa ere.

Sobrang mahal daw niya ito at hindi niya kayang mawala ito sa kanyang piling. Ito ang dahilan kung bakit siya naglasing sa loob ng convenience store kasama ng kanyang mga kaibigan.

Dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan kung kaya’t naging sobrang emosyonal ni kuya. Walang tigil ang kanyang pag-iyak, at may mga pagkakataong pang siya ay humahagulgol.

Mabuti at naroon ang kanyang mga kaibigan na handang dumamay sa kanya sa oras ng kalungkutan. Maswerte pa rin si kuya sa kaibigan, maski medyo minalas siya sa pag-ibig.

Tuesday, May 7, 2019

Intense na behind the scene ng Halik, grabe sobrang galing!


Kamakailan lang ng i-post sa social media ang behind the scene ng "Halik" na ginanap ni Jade at Lino na si Jericho Rosales at Yam Concepcion.

Agad itong nag-viral sa social media dahil sa talaga namang intense na acting ni Yam at Jericho, makikita ang kanilang natural na acting skills.

Umulan naman ng papuri ang bidyong ito dahil sa talaga namang sobrang galing, tila parang totoo ang kanilang ginagawa.

Silipin ang intense na intense na acting ni Yam at Jericho1

OFWs na may HIV dumarami na raw


Tumaas ng 22 porsyento ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng HIV noong Pebrero.

Sa datos na nakuha ng ACT-OFW, 88 OFW ang bagong dagdag sa mga nahawa ng HIV noong Pebrero, mas mataas sa 72 na naitala sa kaparehong buwan noong 2018.

Mula 1984, umabot na sa 6,433 ang bilang ng mga OFW na nagkaroon ng HIV, ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III.

Ang mga OFW na ang bumubuo sa 10 porsyento ng 64,291 kompirmadong nahawa ng HIV ayon sa National HIV/AIDS Registry.

Sa 6,433 nahawang OFWs, 86 porsyento (5,553) ang lalaki na ang median age ay 32. Sa mga ito 72 porsyento ang nahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik—2,328 ang sanhi ng male-to-male sex at 1,674 ang nakikipagtalik sa kapwa lalaki at babae.

Ang 880 babae ay may median age na 34.

Sinabi ni Bertiz na kailangan na palakasin ng Department of Labor and Employment ang kampanya nito laban sa HIV-AIDS at tulungan ang mga nahawa na.

“Under the law, the economic, social and medical support is to be extended to all OFWs, regardless of employment status and stage in the migration process,” ani Bertiz. “The preventive education seminar is to be provided for free and at no cost to OFWs or to the staff concerned.”





Babae, umiiyak ng dumulog sa Raffy Tulfo in Action, dahil ang kapatid at mister niya raw ay magkarelasyon!


Umiiyak na dumulog si Irish San Gabriel kay Idol Raffy sa sama ng loob dahil ang sarili niyang kapatid na si Janella Gutierrez, 18 years old ay nakipag-relasyon sa kanyang mister na si Michael San Gabriel, 28 years old. 

Hindi na raw naiisip ng mga ito ang 3 nilang anak at pinagbubuntis niya.
Ayon kay Janella, nahulog daw ang loob niya sa mister ng kanyang Ate Irish dahil nadala siya sa mga pangako, mabulaklak na mga salita at pagbibigay ni Michael sa kanya ng mga chocolates, mga gamit at pag-date paminsan-minsan.

Ilang beses na raw nilang pinag-usapang pamilya ang relasyon ni Michael at Janella ngunit tuloy-tuloy pa rin daw ang dalawa. Hanggang noong May 4 ay hindi na umuwi ang mister niya.

Kaya kung may impormasyon kayo tungkol sa kinarooonan ni Michael San Gabriel, mangyari lang na ipagbigay alam ito sa amin dito sa Raffy Tulfo in Action FB page o 'di kaya'y personal na magtungo sa tanggapan dito sa TV5 Media Center, Reliance cor. Sheridan St., Mandaluyong.

Monday, May 6, 2019

Daga sa loob ng yelo, halo-halo pa ba?


Ilang araw pa lang ang nakakalipas matapos i-post sa social ang larawang ito na kung saan makikita na may daga sa mismong yelo.

Kaya naman galit ang lahat ng mga netizens na nakakita nito, dahil kadalasan pa raw sa ganung mga yelohan ay kadalasang kuhanan ng mga restaurant na may tinda ring halo-halo.

Alam naman natin lahat na patok talaga ang halo-halo sa ating mga pinoy lalo sa panahon ngayon na summer, kaya naman perfect talaga habang na sa outing.

Pero kung ganitong yelo kaya ang natapat sa'yo? Yelo na may daga sa loob, kaya naman payo ng netizens, mag-ingat kumain ng kung ano-ano na may sangkap na yelo.

Lalo pa't uso ngayon ang pampalamig na pagkain, 'di lang kasi sa maliit na tindahan lang nangyayari ang ganitong pangyayari, kahit pa saan man ay pwedeng-pwede mangyari ito.

Charot Santos sa Wowowin, may panawagan kay Mel Tiangco


Kamakailan lang ng mapansin ni Willie Revillame na tila parang may kamukha sa kabilang channel siyang audience.

Ang tinutukoy ni Willie Revillame ay si Charo Santos na kung saan ay 5th President sa ABS CBN na kalaban ng kanilang channel.

Laking gulat ni Willie at ng mga kapwa audience ng kamukha ni Charo Santos na hindi lang pala kamukha, kundi ka-boses rin.

Kaya naman sobra ang good vibes at saya ni Willie pati ang mga audience, bukod doon ay may panawagan pa si Charot Santos.

Na kung nahihirapan na raw si Mel Tiangco sa maraming sulat na binabasa, handa naman daw siyang tulungan ito.

Panoorin ang nakakatuwang eksena!

Matandang nanakit sa kapwa pasahero na may bitbit na bata at nag-eskandalo sa pampublikong sasakyan, tila dinamay pa lahat ng taga Bulacan


Kahapon lang ng i-post sa social media ni Anne Gaddi ang bidyong ito, matapos manita at manakit ng isang matanda sa isang pampublikong sasakyan.

Agad nag-viral ang bidyo dahil sa kamalditahan daw na taglay ng matanda, dahil sa kagustuhan niyang siya ang umupo sa puwesto kahit na may dalang bata ang sinisita niya.

Pati ang mga taga Bulacan ay dinamay pa ng matanda, na tila parang halos lahat ng taga Bulacan ay kaugali raw ng babae na sinisita niya (Matanda).

Sakto naman na halos lahat ng pasahero ay taga Bulacan, kaya naman agad dumipensa ang mga ito sa nasabing masama ng matanda.

Ngunit makikita rin sa bidyo kung ilang beses niya tinapik ang babae habang binibidyo siya sa kanyang pag-eeskandalo.

Walang makaawat sa matanda kahit halos tamaan na niya ang bata na kandong-kandong ng babae, nagalit pa ang matanda sa isang lalake na tila pinagsasabihan siya.

Nagtamo naman ng gasgas sa kamay at braso ang babaeng sinita ng matanda, dahil bukod sa sinita siya, makikita rin sa bidyo na sinaktan siya ng matanda bago maputol ang bidyo.

Sunday, May 5, 2019

Viral ngayon ang isang lalake matapos iputok ang kanyang likido sa katabi niyang babae sa pampublikong sasakyan


Ilang oras pa lang ang nakakalipas matapos i-post sa social media ni ReinsAnn ang nangyaring ito sa pampublikong sasakyan.

Makikita sa larawan na tila kausap niya ang kanyang kaibigan na kung saan sinabi niya ang nangyari nung bigla siyang nagising.

Kuwento ng biktima, siya raw ay nakatulog sa byahe at ng bigla siyang nagising at meron na nga siyang tam*d sa kanyang pants.

Sa galit ng biktima, ipinost niya ito sa kanyang Twitter account, na talaga namang nag-viral kahit ilang oras pa lang ang nakakalipas.




Saturday, May 4, 2019

FB user, isiniwalat na maaaring mawalan ng trabaho ang malditang si Kren na nanampal ng kanyang sariling ina



Ang FB user na nagreport kay Kren Austria sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya ay may isinawalat na bago.

May nag-message daw sa kanya at sinabing dahil sa ginawa niyang pag-report ay maaaring mawalan ng trabaho si Kren.

Ayon naman sa nasabing FB user, si Kren ang gumawa nun sa sarili niya dahil kung mawalan daw siya ng work.

Nag post si Rhea Fatima Waguia Anton tungkol kay Kren Austria, ang babaeng nag-viral sa Raffy Tulfo in Action dahil sa ginawa niya sa ina na sinampal ng tsinelas.

Sa post ni Rhea, tinanong niya ang nasabing kumpanya kung nagha-hire sila ng taong abusive at nanampal ng sariling ina.

Sabi pa ni Rhea, she wonders daw kung ano na lang ang sasabihin ng mga kliyente ng Holland kung malalaman nila na may empleyadong ganun.

Dahil sa post na ito, may nagmessage kay Rhea at sinabing maaaring mawalan ng trabaho si Kren dahil daw sa paninira ni Rhea. 
Depensa naman ni Rhea, una raw ay wala siyang sinirang tao. Pangalawa raw ay ramdam niya ang pagkaduron dahil sa ginawa ni Kren sa ina.
Pangatlo, hindi lang daw siya ang galit kung buong Pilipinas. At pang-apat daw, kung mawalan man ng trabaho si Kren, hindi raw iyon kasalanan ni Rhea dahil, "she deserve KARMA wat she deserve dhil sa ginawa nya sa sriling ina nya."

Eto ang buong post ni Rhea: 

"Have A blessed day po ! Anyway About sa Post ko ky #KrenAustria na babaeng nanamapal ng tsenelas sa sriling ina nya my nag message skin because of my post maaring mwalan xa ng work dhil dw sa pninira ko ! First of All wla akong sinirang tao .. 2nd anak ako na nka ramdam ng pgkadurog dhil sa ginawa nya sa sriling ina nya kgaya din ng iba n nsaktan .. 3rd hnd lng nmn ako ang glit sknya kundi buong pilipinas million na tao sa buong mundo .. 4rth if mwalan man xa ng work it is not my Fault she deserve KARMA wat she deserve dhil sa ginawa nya sa sriling ina nya .. At kong nkialm man ako dhil nkikita ko pno nya itrato ung ina nya smantalang ako nilulugmok ko ung srili ko dto sa abroad pra maiahon lng nanay ko at maibigay gsto ng ina ko ! Pwd nyo po ereport ung post ko peru wla akong cnirang tao .. xa mismo sumira ng dignidad nya Salamat and God blessed stin lht ..#LESSON #LEARNED" 

Lalake na nang holdap noon, natagpuang patay base sa kanyang mga tattoo


Kamakailan lang ng mag-viral sa social media ang isang lalake na kung saan nangho-holdup ng taxi driver na nakuhanan sa dashcam ng mismong sasakyan.

Ngunit kahapon lang ng ibalita na ang suspek sa pangho-holdup ay natagpuang patay na itinapon na lang basta-basta sa kalye.

Nilagay pa ang suspek sa sako. Ayon sa ulat ni Emil Sumangil ng GMA news, nagmistulang basura ang lalaki na natagpuan sa kanto ng Tuazon at Araneta Street sa Barangay Potrero.

Sa pagsusuring sinagawa sa bangkay, natagpuan ang ilang tattoo sa katawan ng lalaki at isa na rito ay ang "commando." Ito raw ang naging basehan ng pulisya na may posibilidad na dating nakakulong ang lalaking ito.

Nagtamo ng saksak ang lalaki at inaalam din kung kasangkot ito sa anumang krimen.

Matanda, hinampas ng tubo sa tapat ng brgy hall, halos 'di raw makalakad. Ngunit wala man lang daw tanod na umawat


Kamakailan lang ng mag-viral sa social ang bidyong ito, matapos hampasin ang isang matanda ng tubo, sa tapat pa mismo ng barangay.

Nangyari raw ang insedente  sa Balite 1, Silang Cavite, Ang suspek hindi man lang daw umano inawat ng mga tanod at tao sa baranggay hall.

Kaya naman galit na galit ang netizens na nakapanood nito, kaya talaga namang agad nag-viral ito sa social media.

Friday, May 3, 2019

Lalake, huli sa cctv matapos mag-jak*l sa likod pa mismo ng isang babae


Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, matapos i-post ni Michelle Bunsoy sa social media ang bidyo sa cctv na kung saan tila nagja-jak*l ang isang lalake.

Agad itong kumakalat ngayon sa social media, dahil sa talaga namang kababuyang ginawa ng lalake, lalo pa't sa pampublikong lugar lang niya ito ginawa.

Kaya naman lahat ng netizens na nakakakita nito ngayon ay labis ang gigil sa lalaking ito, dahil walang matinong tao raw ang gagaw nito lalo pa't sa likuran lang ng isang babae.

Makikita sa bidyo na tila balisa ang lalak, habang abalang-abala siya sa kababuyan niyang ginagawa na sa pampublikong lugar lang.

Base pa sa ibang kumento ng netizens, wala raw talagang pinipiling lugar ang mga manyak na tao, kaya naman mag-doble ingat, lalo na ang mga kababaihan. Silipin!

Thursday, May 2, 2019

Bata, sinadya raw baliin ang paa ng stepfather at sariling ina, nilulublob pa raw ang bata sa ihi kaya sobra ang trauma


Isang bata ang nag-viral kamakailan lang, matapos mabalian ng paa, na kung saan sinasabi daw ng ina nito ay nahulog at naipit lang ang bata, pero wala naman daw itong galos.

Ngunit sabi naman ng nag-post nito, sinadya daw baliin ang paa ng bata dahil wala naman daw galos ang bata kung ito ay naipit lang.

Marami pa raw karumaldumal ang ginagawa sa bata ng kanyang stepfather at sariling ina, nilalagyan daw ng sili ang chupon at nginungudngod ito sa sarili niyang ihi at nilulublob pa raw sa tubig.

Kaya naman daw talagang sobra ang trauma ng bata dahil sa ginagawa sa kanya ng kanyang stepfather at sarili niyang ina.

Silipin ang orihinal na post para sa karagdagang impormasyon!

Wednesday, May 1, 2019

Babae, nagtapos at hindi kinahiya ang kanyang kapansanan, hinangaan ng netizens


Ilang oras pa lamang ang nakakalipas, matapos i-post sa social media ang mga larawang ito na kung saan nakapagtapos ang isang dalaga na may kapansanan.

Makikita ang post na ito sa mismong social media account ng dalaga na si Patricia Apuli Banzuela, sabi niya, 'di hadlang ang kapansanan para 'di makapag tapos.

Siya si Patricia Apuli Banzuela, Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management, na nag-aral sa Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa, Manila.

Nais rin daw niyang magpasalamat sa kanyang mga magulang na nagpa-aral daw sa kanya at nagdisiplina.

Aral ito sa mga bata na tila sinasayang ang kanilang mga pag-aaral, kahit na sila ay wala namang kapansan, lalo sa panahon ngayon.

Korina rumesbak sa nagsabing matanda’ na siya para magka-baby


Kung maraming natuwa sa pagkakaroon ng kambal na anak ni Korina Sanchez may mga nangnega rin sa kanila ng asawang si Mar Roxas.

Bakit daw kung kailan pa siya tumanda ay saka pa siya nag-anak, sigurado raw na apektado ang pagpapalaki niya sa mga bata sa pagiging first time mom niya sa kanyang edad ngayon. Ibig sabihin, limited na ang kanyang energy and physical ability para mag-alaga ng twins.

Pero ayon kay Korina, hindi issue ang age ng isang nanay para magampanan nito ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang anak.

“To say that it is a handicap that I’m in my 50s—and if this age is a handicap, parang tinitignan mo yung baso ng half-empty instead of half full. I think what is important is the quality of time we give them,” paglilinaw ng broadcast journalist.

Sinabi ni Korina na pinaghandaan niya ang pagdating nina Pepe at Pilar.
“Kaya alam mo bago ito, todo pa-check up ako. Even long before that talagang yung fitness and yung health ko chineck ko lahat yan, ibig kong sabihin, handa ako,” chika pa ni Korina sa panayam ng
Magandang Buhay. Aniya pa, gusto niyang mabuhay kasama si Mar nang hanggang 100 years old para sa kanilang twins.

Sinabi rin ni Korina na tanggap na ng maraming Pinoy ang paraan ng “surrogacy” o ang legal na paraan ng pagbubuntis ng isang babae para sa magiging anak ng iba.

“Time has changed people’s minds about this (surrogacy). In fact, nu’ng mga panahon na ‘yon, ang sabi ng mga kaibigan ko, ‘Korina, ang bata ay bata, kapag lumabas na ang sanggol, sino pa ang mangnenega diyan.

“Ang punu’t dulo niyan ay ang pagmamahal. So who can go against love and life?” ani Korina na inaming wala sa kanyang mga followers sa Instagram ang nagtanong o nagbigay ng negatibong komento tungkol sa surrogacy.

“I think informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila, tanggap na nila ‘yung ganyang klase,” sabi pa ng award-winning TV host.