Friday, April 12, 2019

Zsa Zsa Padilla says she has forgiven orchestrator of fake marriage to a Japanese guy

Photos: Zsa Zsa Padilla Instagram
In a series of tweets, Zsa Zsa Padilla says that she has already forgiven whoever orchestrated her fake marriage with a Japanese guy. The fake marriage has been declared null and void, based on a decision from the Makati Regional Trial Court dated last April 6, 2018.

Ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang naging karanasan sa pagpapawalang-bisa ng kanyang pekeng kasal sa isang Japanese guy na nagngangalang Shigemi Nabehigashi.

Ito ay matapos ideklara ng Makati Regional Trial Court na null and void ang kanyang pekeng kasal, base sa isang desisyong pirmado ni Judge Cristina F. Javalera-Sulit ng Makati Regional Trial Court, na may petsang April 6, 2018.

Kahapon, April 12, nakakuha ng kopya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng dokumentong ito.

Sa isang series of tweets naman kagabi, nagkuwento si Zsa Zsa tungkol sa pagpapa-annul niya sa pekeng kasal, na siyang nakasaad din sa nasabing court document na nagpapawalang-bisa ng sham marriage.

Taong 2016 nang malaman ni Zsa Zsa ang pekeng kasal, habang nasa proseso ng pagkuha ng mga requirements para sa kasal nila ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao.

Kabilang dito ang CENOMAR, o Certificate of No Marriage.
Dito niya nadiskubre na kasal pala siya sa isang nagngangalang Shigemi Nabehigashi.




Loading...

0 comments:

Post a Comment