Last Monday ay napanood na nang live si Vice Ganda sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” mula sa kanyang Christmas holiday vacation sa San Francisco, USA para makasama ang pinakamamahal niyang ina kasama ang kanyang tatlong kapatid, dalawang pamangkin at ilang malalapit na kaibigan.
Hanggang kinabukasan, Martes, ay masayang-masaya ang madlang pipol na mapanood nang live ang kanilang lodi sa noontime show. Subalit, nang dumating ang araw ng Miyerkules ay hindi na muling napanood ang Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar sa “It’s Showtime”, dahil sa taping ng auditions ng “Pilipinas Got Talent” o PGT na ginanap sa Pasig kung saan isa siya sa apat na judges.
Maging kahapon ay nag-taping din sila ng auditions for PGT sa Pasig pa rin kung kaya na-miss na naman ng live audience at televiewers ng “It’s Showtime” ang pagpapasaya sa kanila ng TV host-comedian.
Hanggang Biyernes ang taping ng PGT auditions sa Pasig ni Vice with his co-judges Robin Padilla, Angel Locsin, Freddie M. Garcia o FMG, at hosts na sina Billy Crawford at Toni Gonzaga, kaya tatlong araw ding waley ang presensya ng una sa kanilang noontime show.
Dahil diyan, pinupuntirya kami ng tanong ng mga kaibigan naming naka-schedule nang manood nang live ng “It’s Showtime” kung nandun ba raw si Vice o waley, dahil siya raw talaga ang bet nilang makita at mapanood nang personal.
Bukod diyan, marami na rin ang nagsasabi sa amin noon pa man na mga tumatangkilik ng “It’s Showtime” na tila kulang daw sa saya at buhay ang naturang programa kapag absent si Gandarra, bagay na pagpapakumbaba niyang pinabulaanan nang magka-chikahan kami dati tungkol dito, dahil nandiyan pa rin naman daw ang mga kaibigan at co-hosts niyang sina Billy, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, at iba pa na magagaling din mag-host at magpasaya ng live audience at televiewers.
May nag-aalala lang na baka matsugi si Vice sa “Showtime” dahil lagi nga siyang wala. Pero, sure naman kami na maayos ang arrangement ng “Showtime” at ng PGT, kaya malabo ‘yon.
Overwhelmed si Vice sa tuloy-tuloy na blessings na tinatamo niya, tulad ng sa huge success na naman ng kanyang Metro Manila Film Festival entry last December 25 na “Gandarrapido! The Revenger Squad” na tumabo na ng mahigit 500 million pesos na showing pa rin hanggang ngayon at pagkakapanalo niya bilang Most Innovative Male TV Comedian at Most Innovative Male TV Fashion Icon at the Third Global Innovative College Innovation Awards for Television 2018 kung saan nagwagi rin ang kanyang show tuwing Linggo ng gabi na “Gandang Gabi Vice” o GGV bilang Most Innovative Late Night TV Program at ang “It’s Showtime” na ginawaran ng Most Innovative Noontime Show recently.
Loading...
0 comments:
Post a Comment